Isang security guard nakatanggap ng isang bagong kotse matapos magbisikleta ng 5 kilometro pa lamang maisauli ang nawawalang wallet ng isang babae!





Halos limang kilometro din ang kinailangang lakbayin ng isang “security guard” sakay ng kaniyang bisikleta para lamang maisauli sa isang babae ang naiwanan niyang pitaka. Maraming mga netizens ang humanga sa lalaki at dahil dito ay bibigyan nila siya ng isang bagong sasakyan!



Ang mapalad na guwardiya ay walang iba kundi si Aina Jose Townsend. Nang araw na iyon ay naka-duty siya sa “Foodland” na isang supermarket sa Kahului, Hawaii nang mapansin niya ang isang pitaka na naiwan sa isang shopping cart.

Ang nakaiwan pala nito ay isa sa kanilang mga naging kostumer ng araw na iyon, si Chloe Marino. Natapos ang kaniyang shift at hindi pa rin nakukuha ng babae ang kaniyang pitaka kung kaya naman nagdesisyon na ang 22-anyos na guwardiya na siya na lamang ang magdadala nito sa kanilang tahanan.




Dahil walang ibang sasakyan si Aina kundi ang kaniyang bisikleta ay talagang binisikleta na lamang niya ito hanggang sa makarating na nga siya sa bahay nina Chloe. Laking gulat niya nang makita ang guwardiya na siya pa mismo ang nagsauli ng kaniyang pitaka na hindi pa nga nila namalayang nawala.




“On Saturday my wife left her wallet in the shopping cart of Foodland in Kahului by the mall. After loading the baby and groceries into the car, she hadn’t even noticed it was gone,” pahayag ni Gray na mister ni Chloe.



“The security guard from Foodland found the wallet, and after seeing that we didn’t come back for it. He got on his bicycle and he pedaled miles to Waiehu where we lived, getting the address from her ID. He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved.” Dagdag pa niya.




Ang kaibigan ni Gray na si Greg Gaudet ang siyang nagsimula ng GoFundMe campaign bilang reward kay Aina. Halagang $5,000 lamang ang donasyong nais nilang malikom ngunit higit sa $25,000 pa nga ang kanilang nalikom na perang ipangbibili nila ng bagong sasakyan ng matapat na guwardiya.





Post a Comment

0 Comments