Lolo, Dalawang Araw ng Naglalakad Mula Pampanga Patungong Quezon City!



Isang matandang lalaki ang natagpuan ng isang doktor na naglalakad sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx. Ang doktor ay si Sherwin Enriquez mula Philippine General Hospital (PGH) ang nagmagandang loob sa 65-anyos na matandang lalaki na dalawang araw na umanong naglalakad magmula Pampanga at patungo siya sa Quezon City.




Papunta na sana ng Maynila si Doc Enriquez upang kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign nang mapansin niya ang isang matanda na naglalakad.

Dahil sa tigil-transportasyon ay napilitan umano si lolo na lakarin ang Pampanga patungong Quezon City para puntahan ang kapatid at humingi ng tulong rito. Matatandaan na buhat na pumasok sa ating bansa ang pand3mya ay marami sa ating mga kababayan ang humihingi na ng tulong dahil wala na sila makain at ang iba pa sa kanila ay nawalan ng hanapbuhay.





Mababakas sa mukha ni Lolo ang pagod sa kanyang paglalakbay. Tanging mangga na hawak lamang niya ang kinakain nito upang mahupa ang kalam ng sikmurå.

Dahil dito, napagdesisyunan ni Doc Enriquez na ihatid si Lolo at makalipas lamang umano ng limang minuto na nakasakay si Lolo sa sasakyan ay nakatulog na agad ito marahil ay dahil sa pagod na kanyang nararamdaman dahil sa paglalakad ng dalawang araw sa daan.

Narito ang kabuuang post ni Doc Enriquez:

"Decided to give him a ride and five minutes later he was already sleeping. Sige lang, ‘tay! Kuha ka muna ng konting lakas, medyo mahaba pa ung laban ntin!"




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments