Sikat na Kapuso host at comedian na si Willie Revillame isa nang ganap na piloto na talaga namang ikinatuwa ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta!





Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala natin bilang si Willie Revillame ay 59 taong gulang na television host, singer, songwriter, businessman, aktor, at batikang komedyante. Isa siya sa mga sikat na personalidad sa showbiz na talagang walang sawang tumutulong sa mga taong nangangailangan.



Para sa kaniya ay hindi mahalaga ang pera at anumang materyal na bagay dahil ang gusto niya talaga ay makatulong sa mga taong hirap sa buhay. Hindi na nakapagtatakang napakaraming mga tao ang talagang nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya.




Kamakailan lamang ay labis na ikinatuwa ng publiko ang pagpapakita ni Kuya Wil ng kaniyang abilidad sa pagpapalipad ng isang eroplano. Ang pagpapalapag ng isang eroplano ay talagang napakahirap at napakakumplikado ngunit nagawa niya ito ng maayos kung kaya naman ganoon na lamang ang pagkamangha ng publiko.





Sa katunayan ay lisensiyadong piloto na siya ngayon, ipinakita niya rin ang ilang mga “identification card” (ID) niya na mula mismo sa “Aviation Medical Certificate” at “Aviation Authority of the Philippines”. Talaga namang nakakabilib ang kaniyang rason kung bakit niya ninais na matutong magpalipad ng eroplano.






Nais niya kasing makatulong sa mas maraming mga tao lalo na kung mayroong mga “relief operations” o “rescue operations”. Nais niyang siya mismo ang magpalipad ng eroplanong kaniyang sasakyan upang agad na makaresponde sa nangangailangan.

Minsan na silang bumisita sa Catanduanes upang makapagpamahagi sila ng mga relief goods doon. Hindi rin naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong gumabay at tumulong sa kaniya habang nag-aaral siyang maging isang piloto.

Tunay nga na napakaraming nais tulungan ni Kuya Wil kung kaya naman sa abot ng kaniyang makakaya ay talagang nagsisikap siyang mas maging kapaki-pakinabang pa sa maraming mga Pilipino. Kung lahat lamang sana ng mga mayayaman at maimpluwensiyang tao ay nagnanais ding tumulong sa kanilang kapwa, tiyak na mas mababawasan ang mga taong naghihirap sa mundo.






Post a Comment

0 Comments