Agad na pinatalsik sa pwesto ang isang babaeng traffic enforcer matapos mahuli sa camera na nagongotong sa isang truck driver sa Silang, Cavite. Sa video ay makikïta ang babaeng nakasakay sa motorsiklo na isa pa lang traffic enforcer. Ayon sa driver na si Prince Alex, sinundan nila ang traffic enforcer dahil kinuha umano nito ang kanyang lisensya.
Nang huminto ang motorsiklo ay agad din silang huminto sa gilid ng kalsada at dito na nagsimula ang pangongotong.
"Magkano kaya? Magkano nandiyan? 'Wag lang 'yung parang barangay tanod," sabi ng babaeng enforcer.
Nagbigay umano si Price Alex ng Php 200 dahil iyon lamang umano ang kanyang pera ngunit matinding tinanggihan ito ng traffic enforcer at sinabing Php 500 lamang ang kanyang tinatanggap.
"'Pag nagsimula akong magsulat tuloy-tuloy na ito, maniwala kayo sa akin," pagbabanta pa ng enforcer.
Dahil dito, sinabi ni Prinec Alex at ng kanyang pahinante na magdadagdag na lang sila ng Php 100 para maging Php 300 ang maibibigay nila sa enforcer. Kinalaunan ay pumayag din ito ay saka inutusan ang driver na kunwaring pirmahan ang ticket na inabot at doon na inipit ang pera.
Nang malaman ito ng Traffic Management Office ay kaagad naman sinibak sa pwesto ang enforcer. Hindi na rin binanggit ang tunay na pangalan ng enforcer para sa kaligtasan at proteksyon ng pamilya nito.
Narito ang kabuuang video mula sa GMA News:

Source: Noypi Ako
0 Comments