Isang babaeng nagpakasal sa puno, pinalitan ang kaniyang apelyido at naging “Elder” dahil sa elder tree na pinakasalan nito!





Maraming mga netizens ang nagulat nang mapabalita ang kwento ni Kate Cunningham na ikinasal sa puno na may pangalan na “Elder tree” sa Rimrose Valley Country Park sa Sefton. Si Kate ay 37 taong gulang na at mayroon nang dalawang mga anak.



At ngayon nga ay ikatlong taon na nilang magdiriwang ng Pasko kasama ang asawa niyang puno. Ikasal sila ng puno taong 2019 sa Sefton, Merseyside. Abala si Kate sa pag-aalaga sa kaniyang anak na mayroong special needs.



Ngunit hindi rin nito nakakalimutang bisitahin ang kaniyang asawang puno limang beses sa isang linggo. Mayroon din itong mga palamuti na wreath, tinsel, at baubles para sa Pasko.

Maging ang Boxing Day ay ipagdiriwang din niya kasama ang puno. Ginawa din ni Kate na magpakasal sa puno dahil sa nais niyang magprotesta sa dapat sana ay ipapatayong bypass sa kanilang local country park.

Marami ding mga netizens ang nagulat nang ipahayag ni Kate na bahagi na talaga ng kaniyang pamilya ang naturang puno at mas naging maayos daw ang kaniyang buhay buhat nang magpakasal ito sa matandang puno. Maging ang kanilang mga Christmas cards ay nilalagyan din niya ng mga katagang ‘With Winter Wishes, from Mr and Mrs Elder’.

Lingid sa kaalaman ng marami ay mayroon din siyang nobyo na todo-suporta sa kaniyang simula nung umpisa pa lamang. Maging ang pagbisita ni Kate sa asawa nitong puno ay suportado niya. Madalas ay sumama rin ang kaniyang nobyo sa kaniya sa tuwing bibisita siya sa matandang puno. Mahal ni Kate ang puno at mahal din niya ang kaniyang pamilya.



Masaya siya dahil nagagawa niya rin ang kaniyang adbokasiya na climate activism. Marami man ang nagulat sa naging desisyon na ito ni Kate, marami din naman ang nakakaunawa at sumusuporta sa kaniyang adbokasiya.

Wala rin naman siyang natatapakang tao kung kaya naman wala na ring problema ito sa kaniyang mga kaibigan at pamilya.





Post a Comment

0 Comments