Mag-ama, labis na hinangaan ng publiko nang pagtulungan nilang itulak ang isang sasakyan na naubusan ng gasolina sa daan!





Tayong mga Pilipino, noon pa man ay likas nang matulungan at mapagmalasakit sa kapwa. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nagbabago at unti-unti nang nawawala ang kaugalian nating ito.



Nakakalungkot mang isipin ngunit mas marami nang mapanghusga ngayon at mga taong mas nanaisin na lamang na manahimik upang hindi na sila madamay o maabala pa. Ngunit pagkatapos ng bagyong Odette ay muling nakita ng maraming mga Pilipino ang pagiging likas na matulungin ng iilan sa atin.

Sa Mandaue City ay mayroong isang mag-ama na tumulong sa isang sasakyang naubusan ng gasolina sa daan. Hindi alintana nang mag-ama na nakasakay sa kanilang motorsiklo na sandaling bumaba at tumulong sa kanilang kapwa kahit pa nga nakasakay sa magarang sasakyan ang mga taong kanilang tinutulungan.



Hindi nila kilala kung sino man ang taong sakay ng naturang sasakyan ngunit walang pag-aatubili pa rin nilang tinulungan ang mga ito. Nang mga oras kasing iyon ay talagang pahirapan ang pagbili ng inuming tubig, gasoline, at pangunahing mga pangangailangan.

Ilang oras talaga ang ipipila mo sa mga gasolinahan at mga tindahan para lamang mabili ang kailangan ng buong pamilya. Mayroon pang ilang mga nananamantala na halos doble at triple ang pagbebenta ng mga ito para lamang sila ay mas kumita sa mga taong nasalanta na ng bagyo.

Ang taong nagbahagi ng larawan ng hindi pa nakikilalang mag-ama ay walang iba kundi si Fleire Castor.

“So for those of us trying to stay sane despite all these. I encourage you to find acts of kindness to encourage others to push through. Laban lang jud ta. Restoring faith in Filipinos one photo at a time.” Pahayag ni Castor.

Ang bagyong Odette ay nanalanta sa gitnang bahagi ng bansa noong Disyembre 16, 2021. Talagang napakarami ang naapektuhan – maraming mga bahay at establisyemento ang nawasak, mga kabahayan na nawalan ng kuryente at linya ng komunikasyon.





Post a Comment

0 Comments