Mga kabutihang nagawa noon ni “Mang Boy” isinapubliko ng isang netizen, dapat din daw irespeto ang taong walang ibang ginawa kundi tumulong sa kaniyang kapwa!





Sanay tayong mga Pilipino sa mga selebrasyon at pagdiriwang. Nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon ay talaga namang marami sa atin ang nagsalo-salo at nagsama-sama – pamilya at mga kaibigan.



Ngunit naging dahilan din ito upang mas tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Nakakalungkot at nakakabahala mang isipin ngunit maliban sa sakit na ito ay mayroon pang dalawang mutation na kinatatakutan ngayon sa ating bansa.

Ang Delta at Omicrom variant kung kaya naman ganoon na lamang ang pag-iingat ng karamihan sa atin. Kasabay ng pagdiriwang natin ng Bagong Taon ay pinagpiyestahan din sa social media ang isang insidenteng nakuhanan sa video.



Sa naturang video ay naroroon si Mang Boy na mayroong nakaalitan na isang grupo ng mga nag-iinuman. May dala-dala itong samurai na ginamit niya upang hiwain ang isang speaker ng naturang grupo.

Nakarating din ito sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa inireklamo siya ng kaniyang mga kapitbahay. Binasagan din si Mang Boy na “siga” at “speaker d3stroyer”.


Ngunit sa kabila ng mga kontrobersiyang ito ay mayroong isang netizen na nagbahagi ng kaniyang saloobin patungkol kay Mang Boy. Ito raw ay isang retiradong pulis.

Bago pa man daw ang pandemya ay madalas na pala itong tumutulong sa kanilang lugar. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Mang Boy ay kumukuha ito ng barbero upang magkaroon ng libreng gupit sa kanilang lugar kaysa magkaroon ng enggrandeng handa.



Bumibili rin silang mag-asawa ng mga tsinelas para sa kanilang mga kapitbahay dahil ayaw din niyang makita ang mga taong ito na walang pangyapak. Marahil ay nalungkot ang netizen na si Ferl Geronimo sa dami ng mga taong kumukutya at humuhusga ngayon kay Mang Boy sa kabila ng mga tulong na kaniyang nagawa sa kaniyang komunidad.

Dapat sana ay ipagtanggol man lamang siya ng mga taong natulungan niya noon upang hindi na magpatuloy pa ang kawalan ng respeto sa kaniya ng maraming netizens online.





Post a Comment

0 Comments