Hindi madali ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW). Talaga namang titiisin mo ang hirap ng buhay sa ibang bansa nang malayo sa iyong pamilya.
Maging ang panahon, pagkain, at paraan ng pakikipag-usap sa bansang ito ay maaaring ding maging matinding hamon sa iyo. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito ay marami pa ring mga Pilipino ang talagang nakikipagsapalaran sa banyagang bansa, mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.
Dahil din marahil sa pagsusumikap ng marami sa ating mga kababayan ay nakilala ang mga Pilipino sa ibang bansa bilang isang mahusay at talagang masipag na mga manggagawa. Madalas tayong nakakasaksi ng mga balita kung saan minamahal at itinuturing silang kapamilya ng kanilang mga amo.
Ito ay dahil sa maayos na pag-aalaga nila ng kanilang mga alaga at kasipagan sa paggawa ang gawaing bahay. Nakakalungkot lamang isipin na mayroon pa ring iilan na nakakaranas ng hindi maganda sa kanilang mga amo.
Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nadurog ang puso nang mapanuod ang video na ito ng isang Indian national na hindi na napigilan pa ang kaiyang luha dahil sa pinalayas ito ng kaniyang amo. Nakuhanan at ibinahagi ng isang OFW ang video na ito sa social media.
Ayon sa ilang mga naunang artikulo, pinalayas daw ng kaniyang amo ang Indiana dahil sa hindi raw gusto ng alaga nito ang kaniyang amoy. Batid naman natin na pagdating sa pagkain ay iba talaga ang hilig ng mga Indian national.
Maging sa “personal hygiene” ay mayroon din silang partikular na ginagawa at hindi ginagawa sa kanilang pangangatawan. Ngunit makatarungan pa din bang basta na lamang siyang palayasin ng kaniyang amo dahil lamang sa kaniyang amo?
Hindi kaya maaaring kausapin muna siya at magbakasakali na kaya naman niya itong gawan ng paraan o di kaya naman ay magkaroon ng ilang pagbabago pagdating sa kaniyang “hygiene” o maging sa kaniyang mga kinakaing pagkain?
0 Comments