Alma Concepcion, Nagbigay ng Ilang Tips kay Herlene Budol Para Mas Lumakas ang Laban sa Bb. Pilipinas 2022!



Nagbigay ng ilang tips ang aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion na kinoronahang Binibining Pilipinas International noong 1994, para sa mga Pinay na nangangarap magkaroon ng korona at titulo bilang beauty queen at makarampa sa international pageant. Naniniwala si Alma na malakas ang laban ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol kapag nakapasok sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2022.



Unang payo ni Alma, kailangang karirin at seryosohin ng mga sasali sa beauty pageant ang kanilang mga training dahil dito talaga nagsisimula ang journey ng isang kandidata.

"You have to know kung saan ka weak and then 'on na lang 'yung homework mo kasi you will really have to improve every day especially when there's a competition coming up," ani ni Alma.

"Dati, nag-train ako for free sa mga gusto sumali ng pageants and always tell them that overpreparation is always better than underpreparation. Siyempre sasali ka, ang goal mo na dapat, manalo," dagdag pa niya.





"You have to think like an athlete. Kailangan ang attitude nila lagi, 'eyes on the prize'," sabi pa ni Alma.

Ayon kay Alma, napakalaki ng chance ni Herlene na manalo dahil bukod sa kanyang ganda at height, napakseksi rin nito at may strong personality.



Payo ng dating reyna kay Hipon Girl, isapuso lang niya ang lahat ng ginagawa niyang training dahil naniniwala siya na mas okay na ang maging "overprepared" kesa "underprepared."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments