Tunghayan ang kwento ng isang Lolo mula sa Northern Samar na si lolo Merit Majerano na nagbigay ng inspirasyon hindi lang sa kanyang mga anak kung hindi maging sa mga kabataan na naliligaw ng landas. Nakapagtapos si Lolo Merit kamakailan lang sa junior high school sa programa ng DepEd na ALS o ang Alternative Learning Program.
Ayon sa kwento ng guro ni lolo Merit, noong una ay inakala nilang i-eenroll lamang ng senior citizen ang kanyang mga anak o mga apo sa kanilang paaralan sa Mondragon, Northern Samar. Ngunit laking gulat nila, nang sabihin ng matanda na sya mismo ang mag-eenroll.
"Inapproach kami, sabi nya, Ma'am, magpapa enroll po ako… Ha?! Ikaw tay? Kaya mo? Opo Ma'am, kaya ko. Kaya ko pa po mag-module." Kwento ng guro na si Bb. Shayne Allegar Esponilla sa panayam sa kanya ng GMA News.
Simula noon ay pinatunayan ni lolo Merit na kaya nya pa rin nyang makipagsabayan sa pag-aaral. Sa katunayan nga ay napagsasabay nya ang araw araw na pagtatanim sa bukid at ang kanyang mga modules. At kahit kung minsan ay nakakatanggap ng pangungutya ang matanda, hindi nya ito pinapansin at patuloy lamang sya sa kanyang pag-aaral.
"Meron nga nagsasabi sa akin, 'Uy! Matanda ka na nag-aaral ka pa,' sabi ko naman, hindi ko ikinahiya kahit matanda ako." Sagot ni lolo Merit sa nangangantyaw sa kanya.
Halos apat na dekada ng huminto sa pag-aaral ang matanda para magtrabaho sa Maynila at muli nyang naisipang mag-aral muli upang magabayan at maengganyong mag-aral ang kanyang panganay na anak na isang 16 taong gulang.
Dagdag pa ni lolo, nawawala na sa hilig sa pag-aaral ang kanyang anak na panganay dahil ito ay nababarkada at sinasayang lamang ang panahon sa mga walang kabuluhan na bagay.
Noong una ay kumukuha lang ng module si lolo Merit para sa kanyang teenager na anak, na palagi lang kasama ang mga barkada. Kaya naman naisipan nya na mag-aral para makita ng kanyang anak at mapursige rin na mag-aral.
"'Yung anak ko, gusto kong mag-aral, yan ang kinukuhaan ko ng module, pero nandun lang sya sa barkada na kung anu-ano, kaya yan, gusto ko man makita nya para pupursigihin kong gumawa, at makapagtapos ng pag-aaral pati narin doon sa may mga edad na rin katulad ko na makabalik sa pag-aaral." paliwanang ng matanda.
Hinahangaan naman siya ng kanyang mga naging teachers sa ALS dahil nagpakita talaga ng pagpupursige at gegikasyon sa kanyang pag-aaral na kahir 61 years old na sya ay pinatunayan nyang kaya nyang makipagsabayan sa kanyang mga kaklase.
Sa ngayon ay balak pa ni lolo Merit mag-enroll at tapusin ang senior high school at malay natin kung papalarin ay makapagtapos pa ito ng kolehiyo kung kalooban ng nasa itaas.
Nais ni lolo Merit na magbigay inspirasyon sa lahat lalo na sa mga kagaya nyang may edad na magpursige sila na mag-aral at hindi hadlang ang pagiging matanda para matupad ang ating mga pangarap.

Source: Noypi Ako
0 Comments