Zeinab Harake, Nagdadalamhati sa Pagkawala ng Kanyang Baby Boy



Isa sa mga pinakakilalang vlogger sa Pilipinas si Zeinab Harake. Siya ay kilalang kinakasama ng rapper na si Skusta Clee. Mayroon nang anak sina Zeinab at Skusta- si Bia. Buwan-buwan ay may photoshoot ang kanyang anak at ang tema niya ay disney princesses. Ngunit isang nakakalungkot na balita ang kumakalat ngayon sa social media dahil nakunån umano si Zeinab sa ipinagbubuntis niyang pinangalanan niyang "Baby Moon."



Baby Boy umano ang ipinagbuntis ng vlogger. Nauna nang kumalat sa social media ang haka-hakang nakunån si Zeinab at ngayon lang niya ito inilabas sa Publiko.

"My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. Be our forever angel, mommy loves you so much," ani ni Zeinab sa kanyang instagram post.




Marami naman ang nakikïramay kay Zeinab partikular na rito ang kanyang mga kaibigan na sina Awra Briguela, Donnalyn Bartolome, at marami pang iba.




"Always praying for your healing zi.. no words can ever explain your påin. I love you and bia. Hold you soon," ani Donnalyn.

"Mahal na mahal kita! Mahigpit na yakap ate zebby ko," mensahe naman ni Awra.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments