17-Anyos na Nepalese, Tinaguriang "Shortest Living Male Teenager" sa Buong Mundo!



Nitong Marso 23, 2022 ay isinagawa ang pagsusukat kay Dor Bahadur Khapangi, isang Nepali citizen sa Kathmandu, Nepal. May average height si Dor na 73.43 cm o 2 feet 4.9 inches. Matapos lumabas ang resulta ay opisyal nang kinumpirma ng Guiness World Records na ang 17-anyos na si Dor ang "shortest living male teenager" sa buong mundo.




Dinala ni Nepal Tourism Board CEO Dhananjay Regmi ang Guiness World Records certificate kay Dor. "I'm happy that my brother has received a Guinness World Records certificate," ayon sa kanyang nakatatandang kapatid na si Nara Bahadur Khapangi, na tumayong spokesperson ni Dor sa ginanap na ceremony. Mahiyain kasi si Dor sa harap ng camera.

Mga magsasaka ang parents ni Dor, at nakatira sila sa Sindhuli district. Kasalukuyang nag-aaral si Dor sa isang eskuwelahan sa kanilang village.





Umaasa si Nara na ang pagkilala kay Dor ng Guinness World Records ay magiging daan na makatanggap ito ng tulong para sa kanyang edukasyon.

Ayon kay Nara, "Dor Bahadur was all fine when he was born. He, however, didn't grow from the age of seven. His peers grew, but Dor Bahadur didn't. We don't know why."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments