Lolo na Namamaga ang Paa, Tuloy Pa Rin sa Pamamasada Para Makabili ng Gam0t!



Mabilis na kumalat sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki mula Butuan City. Mayroong filariasis o mas kilala bilang "elephantiasis" si Lolo, na ayon sa Department of Health (DOH) ay nakukuha ito sa kagat ng lamok na may taglay na parasitic worms at kung hindi maagapan ay maaari itong lumala at humantong sa pagkaputol ng paa.




Ayon sa uploader, si lolo Antonio Riveral ay patuloy ang pamamasada bilang isang tricycle driver para umano makapag-ipon ng pera para pampagamot sa kanyang karamdaman.

Kita mo nga naman kung gaano kasipag si lolo Antonio, na kahit may karamdaman ito ay patuloy siyang lumalaban sa buhay.

Sa mga larawan at kuhang video ni Eliejah Judynne Mernilo, agaw pansin ang malaking pamamaga ng binti ni Tatay Antonio kung saan ay ilan ito sa mga sintomas na mayroon nga siyang karamdaman na "elephantiasis".




Ilan pa sa mga sintomas ng karamdamang ito bukod sa pamamåga ng binti ay maaari din maranasan ang matinding pamamaga ng ari, braso, lagnat at ubo ganun narin ang panginginig ng katawan.

Humingi ng tulong si Eliejah iba nating kababayan na sana ay mabigyan atensyon ang kalagayan ng nakakaawang matanda nang sa ganun ay maipagamot na ito.

Para sa karagdagang impormasyon galing kay Eliejah, si tatay Antonio ay na nakatira sa P-16 Sampaloc, Barangay San Vicente Butuan City.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments