Lolo, tindero ng chicharon kapag day-off niya bilang empleyado ng BPO.





Isang senior citizen ang kamakailan lamang ay umani ng papuri dahil sa kanyang taglay na kasipagan. Si lolo kasi ay empleyado ng isang BPO company na kapag day-off niya ay nagtitinda naman ito ng chicharon.



Makikita sa larawan na ibinihagi ng isang netizen na si Iya Gonzales, ang masipag na lolo na ito na nakasabay diumano nito sa tren.

Ang lolo na ito na nagngangalang Manuel Felipe ay napansin ni Iya na may dala-dalang malaking plastik na may lamang chicharon at nakasuot ng company ID lace sa loob ng tren. Tunay na walang nais sayangin na oras ang matanda upang kumita ng pera.



Lumapit si Iya sa nasabing matanda ay bibili sana ng paninda ni lolo ngunit may nagmamay-ari na pala sa mga ito.

Kinausap ng ilan pang minuto ni Iya ang matanda at napag-alaman niya na si Lolo Manuel ay nagtitinda ng chicharon kapag day-off nito tuwing Lunes at Martes.
“This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons. When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.” ani Iya
“He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.” dagdag pa nito.

Sa pahintulot ng matanda ay kinuha ni Iya ang contact number nito para sa mga nais bumili ng chicharon kay lolo.

Marami ang bumilib sa angking kasipagan ni lolo. Kahit na siya ay may edad na ay di niya ito alintana at patuloy paring rumaraket ng pagtitinda sa kabila ng pagkakaroon ng regular na trabaho sa BPO.



Sa pagpapatuloy ng pakikipag usap noon ni Iya sa matanda ay nalaman din niya na galing pa si lolo Manuel sa Pampanga at bumiyahe pa para personal na ideliver ang kanyang paninda.

“I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny” pagbabahagi pa ni Iya.



Maging daan sana ang kwento na ito upang mas dumami pa ang tumangkilik sa paninda ni lolo Manuel.

Credit: Larawan mula sa Facebook post ni Iya Gonzales







Post a Comment

0 Comments