Estudyante sa Bulacan, Valedictorian; Humakot ng 60 Certificates, 30 Ribbons at 24 Medals!



Sobrang quota na si Meckia L. Villanueva sa nakuha niyang awards nang gumraduate siya ng senior high school bilang valedictorian ng batch 2022 sa Sto. Niño Academy sa Bulacan. 18-anyos si Meckia at tumanggap siya ng 60 certificates, 30 ribbons at 24 medals. Bukod pa sa pagiging valedictorian ay isa rin siyang president ng student council sa kanilang paaralan.



"Sa wakas, handa nang isulat ang susunod na kabanata. This is Meckia Mari L. Villanueva, with the highest honor to present the batch 2022," ani ni Meckia sa kanyang facebook post.

"Really love receiving academic validation po through my achievements.

"Been consistent first honor student since I started studying po, mainly aiming for scholarship po to help my family," pahayag niya.

Si Meckia ang "best in most of the subject" na ang ibigsabihin ay siya ang nakakuha ng pinakamataas na grades sa iba't-ibang subjects. Best in virtual performance din itong si Meckia. Kabilang din sa mga nakuha niyang awards ay ang "most active" sa lahat ng recitations.





Best in Research Papers and Business Plans at Best Presenter din siya pagdating sa defense. Umani rin si Meckia ng special awards and recognitions para sa kanyang extracurricular activities, gaya ng pagiging student council president.

Ibinahagi naman ni Meckia ang routine niya sa pag-aaral, "I guess nahanap ko lang po talaga yung best study routine na nag-work po sa akin.

"I usually wake up at 3 a.m. to study and the rest of my day po, lalo na kapag busy po with student council duties and academic requirements. Naka-time block po siya to let me set limits and certain goals to accomplish sa loob po ng isang araw.



"Parang setting a particular time po. Kunwari from 1:00 p.m. to 3:00 p.m., itong subject po aaralin ko. Then 30 minutes rest. 3:30 p.m. to 5:30 p.m. po next subject or project. I do scan and read lessons multiple times, and I practice advance reading din po for greater retention."

Kasalukuyang naka-enroll si Meckia sa University of Santo Tomas (UST) sa kursong Bachelor of Science in Biology Major in Medical Biology. Nakakuha rin ng scholarship si Meckia sa UST at qualified din siya sa DOST scholar.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments