Tamad Mag-Aral Noong Elementary, Bumawi Nang Magcollege; Cum Laude at Top 3 Ngayon sa Board Exam!



Sabi nga nila, tayo ang gumagawa ng sarili naing kapalaran. Kung pursigido ka, tiyak may maganda kang patutunguhan ngunit kung pabaya ka, tiyak naman na hindi ka uusad. Kaya naman, lahat tayo ay may 'second chance' na tinatawag. Katulad na lamang ni Jonald Delos Santos, naging pabaya at tamad sa pag-aaral noong nasa elementarya at nang magkolehiyo ay saka naman siya bumawi at hinusayan niya na sa pag-aaral.



Si Jonald at tubong Quezon, at makailang beses na nakatanggap ng bagsak na grado noong elementarya. Ngunit siya nawalan ng pag-asa sa kanyang sarili, bagkus ay nagsikap siya at bumawi.

Nagtapos sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Southern Luzon State University si Jonald bilang Cum Laude. Naging mahirap din ang buhay estudyante ni Jonald lalo na sa usapang pinansyal.





Kaya naman napag-isipan niyang magtinda ng cassava chips at yema spread hanggang sa makatapos.

Ngayon ay LET passer na si Jonald at sa katunayna, Top 3 siya sa nasabing exam.



Patunay lamang ito na sa kabila ng dilim ay may naghihintay pa ring liwanag. Kaya huwag tayong basta-bastang susuko bagkus ay magpatuloy lamang sa buhay at paghusayan ang mga ginagawa lalo na sa pag-aaral.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments