Ipinahayag kamakailan ni Lars Pacheco, isa sa Top 3 winners sa Miss Q&A 2018, na isa na siyang ganap na babae matapos sumailalim sa 0perasyon sa gender reassignment, na tinatawag ding SRS. Matatandaang nagtungo sa Thailand ang Miss Q&A second-runner-up para sumailalim sa procedure na kailangan para baguhin ang kanyang organ mula lalaki patungo sa babae.
Sa isang live stream sa Facebook, sinabi ni Lars na nagpasya siyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang operasyon sa pagbabago ng kasarian dahil maraming tao, lalo na ang mga mula sa LGBTQIA+ community, ang nagtatanong tungkol dito.
"Ang dami kasi nagtatanong kung magkano daw yung nagastos ko for this SRS dito sa Kamol hospital,' ani niya.
Tungkol sa kanyang napiling SRS technique ng penile peritoneal vaginoplasty o PPV, sinabi niyang pinili niya ito dahil ito ang pinakamahusay sa lahat.
"Kaya ko siya napiling technique is because unang-una sa lahat, ito yung pinaka-major surgery na gagawin ko sa buhay ko so gusto ko siya na maging pinakabongga, pinaka-expensive," pagbabahagi ni Lars.
"Gusto ko yung maganda so yun yung treat ko sa sarili ko kasi, di ba, ito yung once in a lifetime lang na gagawin sa buhay natin kaya naman kailangang pag-ipunan talaga," dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na nagustuhan niya ang SRS dahil ito ang pamamaraan na maglalapit sa kanya sa pagiging isang tunay na babae. Ipinaliwanag din ni Lars na ang mga organs ng mga sumailalim sa PPV ay mag-self-lubricate.
Sinabi niya na nagbayad siya ng 622,700 Thai Baht o humigit-kumulang P971,000.
"Hindi naman ako nagsisi dahil ngayon pa lang sobrang nakikita ko na na nagsu-subside na yung maga, medyo nakakalakad na din ako and sobrang worth it, grabe, tuwing naiisip ko kung paano ko pinag-ipunan yung SRS ko, grabe, sobrang worth it," ani ni Lars.
Nag-post din si Lars sa kanyang Instagram account ng larawan niya sa isang hospital bed na may caption na: "I am woman"

Source: Noypi Ako
0 Comments