''LIBRENG SAKAY'', Handog Ng Isang Tatay Matapos Makapasa Ang Kaniyang Anak Sa Social Work Licensure Examination



Isang proud na Ama at tricycle driver sa koronadal city ang nagbigay ng "libreng sakay" sa kanyang pasahero, dahil sa sobra niyang saya at pasasalamat, dahil ang kanyang anak ay pumasa sa 2022 Social Work Licensure Exam.

Siya si Tatay Joven Paniza, 47 years old, dahil sa kanyang tuwa sa pagkapasa ng kanyang anak na si Jona Mae Paniza, ay naghandog siya ng mga libreng sakay.



Naglagay siya ng mga karatula upang malaman ng mga pasahero na libre ang pagsakay sa kanya.


"Today September 28, 2022"... LIBRE SAKAY...PASALAMAT KO AKON BATA... JONA MAE PANIZA.. For Passing.. SOCIAL WORK LICENSURE EXAM".



Matagal nang bumabiyahe si Tatay Juven, dito na niya kinukuha ang pantustos sa kanyang pamilya,

Sa post ni Jona Mae, pinasalamatan nito ang Panginoon at ang lahat ng tumulong sa kaniya upang makamit niya ang tagumpay.

Si Jona Mae Paniza, 23 anyos, ay nakapagtapos sa Ramon Magsaysay Memorial College Marbel Inc., sa kursong Bachelor of Science Major in Social Work, nito lamang July. Nag take siya ng board examination noong Setyembre 19 hanggang 21.


"THANKYOU LORD SA ANSWERED PRAYER, TANAN NA KAHAGO NYU MAMA Heart Brave , PAPA Juven Paniza , NANAY kag Love John Reyes worth it, Praise God sa tanan, Maisip kutong Ga review na gabi na magpuli maulanan pa habang ga byahe kay motor ang dala mga allowance na wala kaya di maka attend review , Damu challenges pero nag padayun gyapon ko kay balan ko sa ulihi worth it tanan ni kag para masuklian tanan na kagaho sang mga tao na ara lng sa tapad ko para mag alalay sakun. Maayo gid ang Ginoo kag balan ko halin sang umpisa upod ko siya Thankyou again Lord, sa Victory Lord , Congratss samun tanan

" Isaiah 60:22 " When the time is RIGHT, I the lord will make it HAPPEN "

MAMA ,PAPA RSW NA Bata nyu"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments