Nahuli ang ang isang ina at kasabwat nito sa IloIlo matapos maaktohang ibinebenta ang 5 araw palang niyang sanggol, sa ginawang entrapment operation Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)
Bagsak sa kulungan ang inang si si Edelyn Pendon, 29 anyos at ang kasabwat nito na si Ana Agustin Mintalbo, 53 anyos, parehong residente ng Zone 6, Brgy. Blvd, Molo, Iloilo City, kung saan naganap rin ang ginawang operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti Trafficking in Person Act of 2003 ang dalawang naaresto.
Ayon kay PMaj. Jess Baylon CIDG Iloilo City Field Unit, ang pagkakahuli sa dalawang suspek ay nagpapatunay lamang na may bentahan ng bata ang nagaganap sa kanilang lugar.
Depensa naman ni Edelyn Pendon, wala siyang balak na ibenta ang kanyang anak, gusto niya lamang daw ipaampon ito.
Ayon pa sa ina ng bata, ay hindi raw niya alam ang ganoong halaga ng pera kapalit ng kanyang anak.
Taliwas naman sa kanyang salaysay, sinabi ng kasabwat nito na mismong ang mga magulang raw ng bata ang nanghihingi ng pera dahil gagamitin daw nila pang gastos.
Source: Noypi Ako
0 Comments