Naibalik ng 2 pulis sa Cagayan De Oro ang isang wallet na may lamang mga dolyar na nagkakahalaga ng 1.2 milyon, natagpuan nila ang wallet habang sila ay nagpapatrolya malapit sa isang hotel.
Kasama ng mga dolyar na nakita nila sa wallet, ay mga id ng may ari, passport at mga atm cards.
Agad nilang tinawagan ang mga numero na nakalagay sa id ng may ari ngunit hindi nila ito makontak, kaya naman nagbaka sakali sila na lumapit sa front desk ng hotel upang magtanong kung naroon ang kanilang hinahanap.
Kinumpirma naman ng Limketkai Luxe Hotel sa Cagayan de Oro City, na nakacheck-in nga sa kanila ang hinahanap na may ari ng nawawalang wallet.
Umiiyak na napatakbo sa mga pulis ang babaeng may ari ng pitaka, at lubos lubos ang pasasalamat niya sa mga pulis na naghanap pa sa kaniya at nagsauli ng kaniyang wallet.
Naibalik rin sa kaniya ang mga id at iba pa niyang mahahalagang dokumento na nasa kaniyang wallet.
Kinilala ang 2 tapat at butihing pulis na sina P/SSG Nathaniel Justiniani at Pat. Neiljun Navarro ng Police Station 3, at sana raw ay maging halimbawa sila sa mga mamamayan at sa kanilang mga kapwa pulis.
''This simple acts of kindness to the people whom we served would greatly help the entire police organization to gain the trust of the people, uplifts their morale and inspires them to support the police to have a safer place to live, work and do business.''
''The performance of the said personnel bespeaks their dedication and devotion to duty and exemplify one of the PNP Core Values "MAKABAYAN", such noteworthy performance expressed COCPO as Community Oriented Organization, and these personnel earned credit not only for themselves and on the command but for the entire Philippine National Police as well. '' Cagayan De Oro City Police
Source: Noypi Ako
0 Comments