2 Ta0ng Gulang na Bata Aksidenteng naka Order ng 60 Produkto na Nagkakahalaga ng 20,000 Pesos



Isang dalawang ta0ng gulang na bata ang aksidenteng naka order ng 60 piraso ng produkto sa isang online shopping app na nagkakahalaga ng 20,000 pesos.

Ayon sa kanyang ina na si Denzen Manliguez, ay ipinahiram lamang niya ng cellphone ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Baby Denise, upang malibang, manood at makapaglaro habang siya ay may ginagawa, laking gulat niya ng makita niya ang mga paparating na notification, mayroon na palang 60 piraso ng parcel ang maipapadala sa kanya.





Napakiusapan naman niya ang ibang mga seller na i-cancel ang kaniyang order dahil wala siyang pangbayad ang iba naman ay tuloy pa din pinadala at magpakita nalang siya ng id upang makansela ang mga ito.


Naiintindihan naman daw ito ng mga rider na naghahatid ng mga naorder nga parcel, dahil nakita na rin nila ang post ni Mommy Denzen sa social media.

Ayon pa sa kanya, ang laman daw ng kanyang wishlist o cart ay mga gamit pang bata, damit na croptop at ibang mga gamit sa bahay.


"Pang-baby po lahat eh... Tapos may mga crop top pa, may mga gamit din po sa bahay," ani Mommy Denzen.

Ngayon ay hindi na muna pinapagamit ni Mommy Denzen ng cellphone ang kanyang Baby Denise.

Pabiro din na ipinost ni Denzen na ibinebenta niya ang kanyang anak ang issue ay pala desisyon daw ito sa pag order.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments