Lalaking hindi pinasahod, naglakad mula Maynila hanggang Laguna; bumagsak sa kalsada dahil sa gutom


Nag viral ang video ng isang lalaki na makikitang nakahandusay sa kalsada, ng lapitan nila ito isa palang lalaki na nanghihina at nanginginig na sa gutom at pagod. Umani naman ng simpatya mula sa mga netizen sa kalagayan ng lalaki.

Ayon sa concerned netizen na si Gen Manzano, pauwi na raw ang lalaki sa kaniyang pamilya, mula raw sa Maynila, ay naglalakad lamang ito patungong Laguna, dahil ayon sa kaniya ay hindi raw siya pinasahod ng kaniyang amo.


Maraming nag paabot ng tulong sa lalaki at nagbigay sa kaniya kahit kaonting pera dahil sa awa nila dito.


Ngunit may ilang mga netizen ang hindi naniniwala sa mga kuwento ng lalaki, may mga nagsasabi rin na isa daw itong modus o panloloko lamang upang makakuha ng pera, pagkain at iba pang mga tulong na mula sa mga concerned citizen.


Ayon din sa ibang tao ay namataan din daw di umano nila ang lalaki sa Baclaran, napatumba rin daw ito habang naglalakad at ikinukwento rin daw na mula pa siya sa malayong lugar.

Mayroon ding mga netizen ang nagsasabi na natulungan na nila noon ang lalaki.

''Nakita ko na to sa amadeo sa may palengke... Ilang months n nkakalipas.. Ganyan din sya nun, nangangatal at gutom na gutom.. Ni rescue na sya ng rescue team ng amadeo, madami ding nagbigay ng pera at pagkain that time, nakakapagtaka lang n until now ganito na nmn ang nangyari sa knya. Bakit umabot n nmn sya sa ganitong punto. Parang may kakaiba dito kay manong..''

''Natulungan din namin sya dito Dasmariñas. Nakasalubong namin sya tapos bigla na lng natumba. Binigyan namin sya ng pera at pagkain. Dami nya kwento pero inconsistent mga sinasabi nya. Hayyy''


''Nkasalubong din nmin yang tao n yn. Dalawang beses nasubsob. Ganyan n ganyan din ang dahilan hindi dw xa pinasahod. Nglakad xa mula mendez, hanggang sa nkarating xa sa dasma na walang kain at walang tubig dw. Kaya nman ako nagkumahog umorder ng fud sa jolibe habang ang dalawa kong kasama inalalayan xa. Pgkatapos niyang kumain, inabutan din nmin xa ng pera. Kailangan dw niya kasi umuwi manila dhil patay asawa niya at my anak p xang sanggol.''



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments