Sabi nila, kapag may kapansanan ka, may mga limitasyon ang mga kaya mong gawin. Ngunit pinatunayan ni Minnie Aveline Juan na sa kabila ng kanyang kakulangan, ay kaya niyang gawin ang nagagawa ng karamihan, at mas higit pa. Nagtapos lang naman siya sa kolehiyo bilang summa cum laude kahit na siya ay walang paningin.
Bilang estudyante ay napakahirap mag-aral dahil kinakailangan mong makita ang mga itinuturo ng iyong guro ngunit tila hindi ito naging hadlang kay Minnie dahil hindi lang siya basta nakapagtapos sa kolehiyo, summa cum laude pa!
Ipinanganak na bulag si Minnie. Ang kanyang mga magulang ay sina Dr. Angelo Juan at Dr. Maria LiliaJuan na kapwa doktor. Pangalawa sa apat na magkakapatid si Minnie.

Kasalukuyang may sariling pamilya na si Minnie at nagtuturo siya sa kanyang mga kapwa visually-impaired sa Vergen Milagrosa University sa Pangasinan.
Talagang nakakahanga ang dedikasyon at pagpupursige ni Minnie sa kabila ng kanyang kalagayan. Ang kwento niya ay nag-viral sa social media at labis na pinusuan at hinangaan ng mga netizens. Isang inspirasyon at magandang halimbawa si Minnie lalo na sa katulad niyang may kapansanan.
Source: Noypi Ako
0 Comments