Isang Ama nilayasan ng kanyang asawa dahil tanging sa pamamasura at pangangalakal lamang ang Trabaho nito..




Kahit gaano pa kahirap ng buhay, buong tapang na tumatayo parin lahat ng mga magulang lalong-lalo na ng mga haligi ng tahanan. Para sa kanilang mga anak lahat kayang tiisin at pagsakripisyohan.

Aminadong napapagod kung minsan sa araw-araw na pakikipaglaban para sa ikabubuhay ng pamilya, ngunit kailanman hindi sila tumitigil at sumusuko sa lahat ng mga problema't hamon.

Kagaya nalang ng isang mabuting Ama na tanging sa pamamasura at pangangalakal lamang umaasa para may maipantawid sa araw-araw na pangkain nila ng mga anak niya.


Ito ang naabutan ng isang good samaritan na si Shiwen Lim, negosyante at kilalang tumutulong sa lahat ng mga taong alam niyang nangangailangan ng kaunting agapay.

Tunay siyang biyaya kung maituturing para sa isang Ama na kanilang nakasalubong sa kalsada habang nangongolekta ng mga mga pwedeng maibentang mga basura kapalit ng sobrang liit na halaga.

"Nagbabasura lang ho," ito ang sagot ng manong dala ang kanyang padyak na may lamang mga kalakal at mga pinamamasura. At dahil mabababa lang rin umano ang bentahan nito, kumikita lamang siya ng 30 pesos hanggang 100 sa isang buong maghapong pagbabanat ng buto.

Pinagkakasya niya ito para pambili ng bigas at ulam para sa kanila ng mga anak niya. At dahil sa uri ng kanyang hanapbuhay at hikahos sa kita ng pera ay iniwan siya ng kanyang asawa.

"Wala na lumayas na. Walang kita eh. Mahirap ang buhay,"



Kahit pa sa init ng araw at hirap ng kanyang trabaho, hindi bakas sa kanyang mukha ang pagod bagkus ay ngumingiti-ngiti ito habang kinakausap.

"Hinihintay ka niyan ng mga anak mo? Bibigyan kita ng pambili ng bigas. Ano bang masarap na ulam para sayo?" Ito ang alok ni Shiwen kay Tatay sabay abot ng pera, kita man sa mukha nito ang hiya, pero lubos siyang nagpapasalamat sa malaking tulong.

"Kunin mo pa to. Pang extra mo bukas. Bili ka ng maraming bigas. Godbless you, kapatid.,"

"Wag kang tumigil mag tiyaga, kahit iniwan man tayo ng mga asawa natin. Laban lang sa buhay ang mahalaga ang mga anak mo. Laban lang ng patas,"

"Mabait ba si God? Pinadaan ako dito para makita ka. Ingat ka sa daan. Pagtinanong kung saan galing sabihin mo galing kay God, wag samin,"

Pag-uusisa ni Shiwen kay manong na kung bakit kahit pa sa hirap ng buhay at iniwan man siya ng asawa niya ay hindi siya gumawaga ng masama sagot lang niya'y takot siyang makulong marahil narin wala ng iba pang aasahan ang mga anak niya kundi siya lang.

"Makukulong ka. Tsaka mas masarap yung lumaban ng patas. Kahit mahirap. Tignan mo, nakapakainit pero nasa daan ka,"

Ang ginawang kabutihan ni Shiwen sa isang basurero ay umani ng pasasalamat mula sa mga netizens na nakapanood sa kanyang inupload na video.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments