Para matiyak na maganda ang performance niya sa board exam, pinaghandaan ni Narcilisa ang pagre-review at nag-set ng goal para sa kanyang sarili.
Lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Pinatunayan ‘yan ni Narcilisa Ponase Talipnao, 23-anyos, na kamakailan lang ay nag-top 1 sa inilabas na listahan ng mga nakapasa sa December 2022 Criminology Licensure Examination.

Nakakuha si Talipnao ng average na 91.60% mula sa halos 33,489 nag-take ng naturang exam.
Noong 2022 ay nagtapos siya ng BS Criminology bilang magna cum laude sa University of Baguio.
Noon pa man ay isa na umano sa goal ni Talipnao ang maging topnotcher. Sabi niya sa panayam ng ABS-CBN, “Noong una pa lang ay layunin ko na makasali sa topnotcher pero pagkatapos ng exam, nagduda ako sa sarili kaya kahit sana makapasa na lang. Noong nabalita sa akin [na ako ‘yong top 1], hindi talaga ako makapaniwala.”

“I challenged myself na dapat maging topnotcher ako, or kung hindi man ako maging topnotcher, e, dapat hindi bababa ng 85 [percent] yung rating ko.”
Gumugol umano siya ng halos anim na buwan sa paghahanda sa exam na ito.
Para kay Talipnao, tiyaga, sipag at dasal ang naging sangkap ng tagumpay niyang ito.
Dagdag pa rito, sobra rin ang pagpapasalamat niya lalo na sa kanyang mga magulang at kapatid dahil sa walang sawang suporta at tulong nito sa kanyang pag-aaral. (Moises Caleon)
Source: Noypi Ako
0 Comments