Parking Boy na Nagsoli Noon ng Napulot na Php7k, Nankapagtapos na Ngayon ng Pag-aaral!





Marami sa mga kababayan natin ngayon ang nakakaranas ng matinding kahiråpan. Kaya naman, nakakalungk0t mang isipin ay may ilan sa kanilang ang gumagawa ng hindi maganda sa kapwa. Ang mas nakakalungk0t pa rito, ay kadalasan, ang mga kabataan pa ang gumagawa ng hindi tama dahil nakikita nila sa mga mas nakatatanda. Ngunit, isang bata ang nagpatunay sa kasabihang, "Kabataan ang pag-asa ng bayan."



Siya si Andrey Macabuhay, bunsong anak na nagtrabaho noon bilang isang parking boy sa murå niyang edad. Hindi siya katulad ng ilang kabataan na gumagawa ng hindi kaaya-aya. Sa katunayan, nag-viral si Andrey taong 2017 nang magsoli siya ng napulot na perang nagkakahalagang Php7k. Ang may-ari ng pera ay si Dindo Lorenzo.

Kuwento ni Dindo, nagtataka umano siya noon nang may isang batang humahabol sa kanya at laking gulat na lamang niya nang sabihin ng bata na nahulog ang kanyang pera.




Dahil natuwa si Dindo sa ipinakitang kabutihan ni Andrey ay naisip niyang i-post ito sa social media. At sa hindi inaasahang pagkakatao, ay dito pala magbabago ang buhay ng isang parking boy.

Binigyan ng full-scholarship si Andrey ng Immaculate Conception Academy na nagkakahalaga ng Php 400,000. Kasama sa scholarship ang uniporme, mga libro at iba pang kagamitan sa pag-aaral. Masaya namang ibinalita na nakapagtapos na si Andrey ng elementarya at hanggang sa siya ay mag-kolehiyo ay makakatanggap pa rin siya ng full-scholarship mula sa nasabing paaralan.






"Andrey Macabuhay, nakatapos na ng Elementarya sa Immaculate Conception Academy (ICA). Nalala niyo ba si Andrey, ang parking boy sa McDo na tinuturing na HONEST KID ng Santa Maria? Siya ang batang nakapulot ng perang nahulog ni Sir Dindo Lorenzo na kaniyang ibinalik. Dahil sa kaniyang katapatan ay nakatanggap siya ng scholarship hanggang kolehiyo mula sa ICA, ICP Senior High School at ICI College."




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments