Senior Citizen, halos 3 linggo ng namamalagi sa PITX matapos manakaw ang kaniyang pera at cellphone


Halos tatlong linggo nang namamalagi sa PITX (Parañaque Integrated Terminal Exchange) ang isang senior citizen na lalaki, matapos matapos man@kaw ang kanyang dala dalang bag na naglalaman umano ng pera na nagkakahalaga ng P15,000 at maging ang kaniyang cellphone ay nakuha rin.

Kinilala ang senior citizen na si Antonio Merilo, 61 taong gulang at residente ng Batangas City.


Ayon sa kaniya ay nan@kaw ang kaniyang cellphone na naka-charge habang siya ay nakaidlip, maging ang isa niyang bag na naglalaman ng pera, nagkakahalaga ng P15,000 na inutang lamang niya upang may maipambayad sa kaniyang irerentang bahay habang siya ay naghahanap ng trabaho sa Maynila.


Nangyari ang insidente nito lamang madaling araw ng March 14, ayon din sa incident report ng PITX, nakasuot ng itim na cap, itim na sando, at itim na tsinelas ang kumuha sa gamit ni tatay Merilo at nagmamadaling lumabas ng terminal.


Hinintay diumano ng suspek ang kaniyang pag idlip bago kunin ang kaniyang mga gamit, kita sa CCTV ang pagkuha ng tiyempo ng lalaki.

“‘Yung incident na nasilisihan ako… Tinitigan niya ‘yung pag-idlip ko tsaka niya ano… Talagang kitang kita sa CCTV na tuma-timing ‘yung kanyang ano,” 

 “Kukuha lang sana ako ng mga personal belongings ko para ‘yung uupahan ko rito…maghahanap muna ako. Para lang ‘yun sa may umaasa pa kasi sa akin.”

 Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidenteng ito.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments