Guro na nagsun0g ng painting, Nagsalita na !! Kapatid ni Edmar galit na galit sa mga co-teacher na kumukunsinti sa guro



Nag-viral kamakailan ang isang painting kung saan ipinost ng artist ang kaniyang pagkalungkot at pagkadismaya matapos hindi bayaran ng kaniyang kostumer ang gawa nitong family potrait painting.

Hindi lang ito dahil sa hindi nabayaran ang painting, sinun0g din daw ito dahil sa hindi nagandahan ang kostumer, ang nasabing kliyente ay napag-alamang isa palang guro.


Ang artist ng 14 heads oil painting ay si Edmar Casinillo.

Nagsalita na diumano ang guro na nagsun0g ng painting.

Narito ang kaniyang pahayag na ipinaabot niya sa kaniyang co-teacher para sa kampo ni Edmar.

"Hindi ko sinun0g ang ginawang artwork ni Edmar, hindi ko lang talaga nagustuhan ang ginawa niya. Nasabi ko lang yun dahil sa pikon at sa galit ko ng makita ang painting na yon."

"Gusto ko ng matapos ito lahat, at pakibura na lamang ng mga post niya"

Galit naman na naglabas ng saloobin ang kapatid ni Edmar na si Hermes Casinillo, dahil wala man lang silang natanggap na 'Sorry' mula sa guro, at hindi na makatulog ng maayos ang kaniyang kapatid at apektado na rin ang mental health nito.


"Hiyang-hiya kayo sa ginawa ng co-teacher nyo kaya gusto nyo ipa-delete sa kapatid ko yung convo nila. Bakit hindi kayo humingi muna ng dispensa sa bata. Iniiisip nyo lang reputasyon nyo ngayon? "


"Pangalanan ko kaya kayong mga teachers jan na ubod ng garapal." "Ayaw nyo palang mabastos eh, sana matuto kayong rumespeto." "Halos lahat ng teachers jan, malapit sakin. Pero ni isa walang nag reach out samin." "Mapya kamu lang makiddaw tu donasyon." "WALANG MAGDE-DELETE. PATIBAYAN NG MUKHA."


Narito pa ang isang post ng kapatid ni Edmar.

"Ayaw nyo mag apologize kasi mas concern nyo yung issue nyo na nahihiya kayo kasi Nadamay kayo. Hindi naman kayo madadamay kung hindi nyo jina-justify yung mali ng co-teacher nyo. "

"Kung gusto nyo manahimik tayong lahat, mag reach out kayo. Lalo kana! Kampi ka pa sa có-teacher mong hindi marunong mag appreciate ng art. "

"Papadelete mo yung post? Para ano? Malinis kayo? Kung ayaw nyong madamay buong school. Sana, Pinagsabihan nyo yung co-teacher nyo. "

"Nagagalit ako kasi parang mas mali pa nong kapatid ko yung nasa kwento nyo. Nabasa nyo ba yung context? "

"Guro kayong tinuringan! Sabagay, nasa circle nyo talaga ang magplastikan. Kayo kayo na Nga lang jan, kayo kayo pa nagsisiraan. "

"Letse kayo! Humingi kayo ng public apology para sa kapatid ko para matapos tayo. "

"Hindi pala sinunog eh. So bakit kelangan sabihin yun sa kapatid ko. Na morale damage yung bata. Naisip nyo ba yun? Binalik nalang Sana. Para walang issue. Ngayon, Asan ang paint? Paki balik nalang. "

"Kung gusto nyo naman mag file ng Case. Go! Be it. "

"Am pangit kasi ng ugali ng ilan sa inyo. Matamaan ang pangit talaga."


Ayon din sa post ni Edmar, ay dismayado rin siya sa mga ibang guro dahil kinukunsinti raw ng mga ito ang kasalanan ng isang guro, nais din niyang maibalik ang painting kung totoong hindi ito sinunog.

"Hindi raw sunog yung painting pero gusto ko ipalabas kung nasaan na kasi 2nights na akong puyat kakaisip jan"

"Di ko akalain na yung ibang guro kokosintihin yung kasalanan ng isang guro, bakt po ganun dahil po ba bata lang ako na nag aaral palang?wag namn po sana, kasi nirespeto ko po ang paaralan na yan, nag bigay ako karangalan jan bago ako umalis"



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments