Sandamakmak na kalabasa ang nakatambak at pinabayaan nalang mabulok ng mga magsasaka sa Alamada, North Cotabato dahil wala na raw bumibili sa mga ito.
Ayon sa mga magsasaka, dahil sa sobrang ani at mababang bentahan sa merkado ay mas minabuti na lamang nilang ipamigay o itapon na lang ang mga ito.
Dismayado naman ang uploader na si Kim Alvarez dahil sa kawalan ng suporta ng pamahalaan sa maliliit na magsasaka.
"Nakakadismaya man po at mga kawawa ang ating mga farmers ngunit wala po akong magagawa kundi ipanalangin sa Maykapal na nawa'y bigyan sila ng lakas ng loob at pananampalataya na magpatuloy pa rin sa pagsasaka," ani Alvarez.
Dismayado at sobra ang panghihinayang ng mga netizen sa mga kalabasa.
Narito ang ilang komento ng netizen.
''Kung nakarating lang sana dito sa metro manila yan marami mga mahihirap ang pwed makinabang diyan masarap at masustansiya ang kalabasa , yan ang totoo realidad nang buhay magsasaka wala support na nakukuha sa Gobyerno mas minamatamis pa nila mag angkat kesa palaguin at suportahan sarili natin ani.''
''Sayang nman sana benenta nlang nila kahit mura lang para mkabawi bawi nman Sila..nakakalungkot''
''Sarap gumawa ng squash Cake or gelatin .mahal nman dto sa Manila''
Source: Noypi Ako
0 Comments