Mangiyak-ngiyak ang isang ama habang binibilang ang mga baryang kanyang inipon para sa operasyon ng kanyang anak na may sakit
Ang walang hanggan at hindi maglalahong pag mamahal ng isang ama sa kaniyang anak ay kailanman ay hindi mapapalitan at walang kapantay na pag-sasakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay.
Nitong nakaraan lamang, ang netizen na si Jenny Sumalpong umano ay nag post sa Facebook ng mga larawan ng isang ama na nakilala bilang si Jeric Aqyuino Treste na naka upo sa sahig ng ospital habang nag bibilang ng mga barya na kaniyang naipon para sa operasyon ng kaniyang anak na si Zhianna Ezra Trestre o mas kilalang Baby Esang.
Hinikayat din ni Jenny ang kapwa netizens sa kaniyang post na ito ay i- share nang sa gayon ay makita pa ito ng iba na nag nanais tumulong sa mag ama para sa liver transplant ni Baby Esang dahil ito ay mayroong sakit sa at@y.
Hindi sapat ang kinikita ni Jeric para makapag ipon para sa operasyon ng kaniyang anak.
Ang kanilang pamilya ay namalagi sa ospital sa loob ng dalawang linggo dahil nagkaroon umano ng flu si Baby Esang. Nag gawa sila Jeric ng isang Facebook Page para kay Esang upang mai- dokumenta ang mga kaganapan sa kaniyang pag galing.
Sinabi niya dito na ang kaniyang anak ay may matinding ubo. Sa kabila noon, siya ay sa wakas tumatawa na ulit.
Ayon sa medical staff na naka duty ng gabing iyon, ang ilan sa kaniyang baryang binibilang ay sentimo lamang.
Tunay nga na gagawin lahat ng magulang para lang sa kanilang mga anak.
Source: Noypi Ako
0 Comments