Estudyanteng Nagtatrabaho Bilang Constraction Worker, Nakapagtapos ng Pag-aaral Bilang Isang Valedictorian!




Marami sa ating mga kabataan ang hindi makapag-aral dahil sa kakapusan sa pinansyal. Kaya naman, nakakabilib ang isang estudyante na ipinamålas ang kanyang kasipagan upang makapag-aral sa kabila ng kahiråpan sa buhay. Siya ay si Michael Español na mula sa bayan ng Gueguesangen, Mangaldan sa Pangasinan.




Pinagsasabay ni Michael ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho bilang constraction worker upang matustusan ang sarili sa pag-aaral. Pinagbuti ni Michael ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos ito bilang isang Valedictorian sa kanilang paaralan na mayroong grado na 95 porsiyento. Naging supreme student din si Michael sa kanilang paaralan.

"Na-overwhelm ako nu'ng nalaman ko po na ako po ang top-performing sa klase namin," pahayag ni Michael.




Nagmula sa mahiråp na pamilya si Michael kaya naman nagpursige siyang magtrabaho at dumiskarte upang kumita siya ng pera.

All around si Michael sa kanyang trabaho kaya naranasan na nitong tagabuhat, tagasinsil at tagapala ng simento.

Kwento ni Michael, nakaka-ipon siya ng pambili ng kanyang school supplies at pangbaon sa kanyang kinikita na P250 kada araw ng kanyang pagtatrabaho.

"Kung kaya ko naman po kasi, ayaw ko nang iasa sa kanila," ayon kay Michael.

Mananahi lamang sa isang factory worker ang kanyang nanay at messenger naman ang kaniyang tatay kung kaya naman minsan ay kulang ang sinasahod ng kanyang magulang para mapag-aral silang tatlong magkakapatid.




Ayon umano sa ama ni Michael, malaki ang pasasalamat nito dahil kahit hirap sila sa buhay ay nakapag-tapos ang kanilang anak bilang valedictorian.

"Nagpapasalamat ako sa anak ko na kahit hirap na hirap kami, nakapagtapos siya nang ganu'n," banggit ng ama ni Michael.

Gayunpaman, sa kabila ng nakaka-inspire na kwento ni Michael mayroon pa rin umano siyang naririnig na hindi maganda sa ibang tao.




"Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, 'wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin," giit niya.

Pinatunayan lamang ni Michael na hindi hadlang ang hirap ng buhay para magtagumpay sa pag-aaral at abutin unti-unti ang mga pangarap sa buhay.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments