Isang ina nakatanggap ng Php10,000 mula sa kaniyang mister dahil sa “very good” siyang nanay!




Usap-usapan sa social media ngayon ang viral post ni Muslima Pino na mayroong caption na “Ganito gawin sa aking ng asawa ko idadagdag ko sa puhunan ko. Haha…” Sa naturang post ay makikita ang isang ginang na nakuot ng kulay dilaw na damit habang natutulog.



Mayroong sulat sa kaniyang tabi na nagsasabing “Dahil very good kang nanay sa mga anak natin; ito ang reward mo. Pa-rebond ka na at bumili ng damit mo.” Talaga namang napakaraming mga netizens ang napa-sana all at nag-tag ng kanilang mga mister sabay sabing sana ay masorpresa din sila ng ganito ng kanilang mga kabiyak.

Madalas na hindi nabibigyan ng pagkilala o pagpapahalaga ang ginagawa ng mga ina o ilaw ng tahanan sa isang pamilya. Ngunit mayroon pa rin palang iilan na kahit papano ay nakakaalam pa rin kung paano pasayahin at kung paano iparamdam sa mga ina na alam din ng kanilang mga mahal sa buhay ang mga sakripisyo at paghihirap nila sa araw-araw.



Hindi magkakatulad ang mga sitwasyon ng bawat isa sa atin. Maging ang mga magulang, ama man o ina ay may kaniya-kaniya ring pinagdaraanan.



Mayroong mga “stay at home moms” na sa bahay nananatili upang alagaan at asikasuhin ang kanilang pamilya. Nariyan din naman ang mga “working moms” na kahit abala sa trabaho ay hindi pa rin nawawalan ng oras para sa kanilang sariling pamilya.

At hindi rin naman mawawala ang kombinasyon ng dalawang ito na “working stay at home mom” na sa bahay na mismo nagtatrabaho ng kanilang mga napiling karera o propesyon kasabay ng pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanilang pamilya. Hindi naging madali at kailan man ay hindi magiging madali ang pagiging isang ina dahil sa wala ring katapusan ang mga gawaing-bahay, mga problema at pagsubok sa buhay.




Ngunit sa simpleng paghalik, pagyakap, pagsasabing “Masarap ang luto mo, Ma!” o di kaya naman sa simpleng pagpapasalamat lang ng asawa o ng mga anak ay talaga namang napapawi na ang pagod nila sa maghapon. Ano pa kaya kung sosorpresahin sila ng kaunting halaga para sa pansarili nilang pangangailangan? Tiyak na mapapangiti natin sila!





Post a Comment

0 Comments