Isang pulis ang pumakyaw ng tindang saging ng isang matandang lalaki upang maka-uwi na ito at hindi na mapagod sa paglalako.
Nagviral ang larawan ng isang pulis na pumakyaw sa paninda ng isang matandang lalaki. Imbes na sitahin, ay binili lahat ng pulis ang mga saging na tinda ni lolo para makauwi na ito.
Maliban sa pagpakyaw ng paninda ni lolo, inabutan pa ito ng pulis ng dagdag na tulong na maiuuwi nito sa kanyang pamilya.
Ang pulis sa mga larawang binahagi ng Facebook page na Gov. Garry ay kinilalang si Police officer Jojo Paguia mula sa Bulacan.
Pinayuhan din ng pulis ang matanda na umuwi na dahil mapanganib para sa senior citizen ang makasalamuha ng marami tao dahil sa patuloy na paglaganap ng virus.
"umuwi ka na tatang papakyawin ko na po itong mga paninda mo, tirik ang araw kaya wag na po kayo maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para hindi na kayo makasagap pa ng virus sa makakasalamuha mo" ayon umano sa pulis
Dahil dito, hinangaan ng mga netizens ang nasabing pulis dahil sa kabutihan na ipinakita nito at nararapat lamang na siya ay tularan ng kanyang mga kabaro.
Sobrang tuwa at pasasalamat naman ng matanda sa ginawang pagtulong sa kanya ni officer Paguia. *
Narito naman ang ilang mga nakakatuwang mensahe ng mga netizens para kay officer Paguia.
“Saludo ako sau sir sana mga kasama no ganun din Sana ligtas ka sa lahat ng oras para madami kapa matulungan”
“sna lahat ng pulis kagaya mo sir..nagbibigay ng solusyun hnd jailer..isa kang mabuting halimbawa..”
“Thanks to our God Sir for your kindness,, Sana Marami ka pang matulongan na katulad ni Tatay, our God is bless you many more Sir,, Take care always.”
“I salute u Sir jojo Paguia. God bless u sn mrming pulis ang tumulad sau n handang tumulong lalo n s my mga idad n. Salamat sau sir, binigyan mo ng kaligayahan at pag asa c tatay n my mauuwi ciang blessing gling sau. Mabuhay k sir.”
“More blessings po sau mamang pulis. Gabayan ka lagi ni Lord sir”
Nawa ay tularan ka Police Officer Paguia ng iyong kapwa pulis. Kami ay saludo sa iyo, sir.
Source: Noypi Ako
0 Comments