Tahanan, bahay, tirahan, o masisilungan, iba iba man ang maaari nating itawag dito ay hindi pa rin natin maipagkakailang isa ito sa pinakamahalagang bagay na dapat nating ipundar. Kahit pa nga wala pa tayong sarili nating pamilya o di kaya naman ay nagsisimula pa lamang tayo sa pagbuo ng pamilyang matagal na nating pinapangarap, isa dapat ito sa unahin nating ipundar.
Marahil maraming mga Pilipino ang makapagpapatunay na mas masarap pa rin talagang manirahan sa sarili mong bahay kaysa sa makitira sa iyong mga magulang, kamag-anak, o kaibigan. Tila ba may “sense of authority” at “sense of security” kung alam mong mayroon ka nang sariling bahay hindi lamang para sa iyo kundi para na rin sa iyong magiging pamilya.
Sa kasamaang-palad, hindi lahat tayo ay mayroong kakayanan na makabili ng bahay at lupa at makapagpatayo nito. Hindi biro ang pera na kakailanganin para dito kung kaya naman marami sa atin ang kahit mayroon nang sarili nilang pamilya ay nagtitiis pa ring makitira sa bahay ng iba.
Kamakailan lamang nagbigay inspirasyon at ideya sa publiko ang post na ito ni Bresa Buccat Bernardo Ibasitas mula sa Pozorrubio, Pangasinan. Sa halagang Php70,000 kasi ay nakapagpagawa na siya ng isang “nipa hut” na mayroong air unit sa loob at queen-size na kama.
Habang sa labas naman ang kanilang tulugan ay isang napakagandang lugar, maaliwalas at mahangin kung kaya naman tamang tama itong pamahingahan, maaari din itong maging kainan o di kaya naman ay tanggapan ng kanilang mga bisita. Mayroon na din kasi itong lamesa at upuan na tila ba madalas lamang nating makita sa isang resort.
Sinong mag-aakala na isang simpleng “nipa hut” pala ito? Nilagyan din nila ito ng “sliding glass windows” at RGB LED lights sa itaas na bahagi ng kanilangkwarto. Simple pero astig ang kabuuang bahay nila na talaga namang umani ng napakaraming reaksyon at komento mula sa publiko.
0 Comments