Hindi na talaga yata mawawala sa maraming mga Pilipino ang manghusga sa kanilanga kapwa. Kahit pa nga sabihin nating hindi naman lahat tayo ay mapanghusga at mapanglait, mas marami pa rin talaga ang hindi maiwasang mag-isip o di kaya naman ay magsalita ng hindi maganda sa kanilang kapwa.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post ng isang netizen na nakilala bilang si Maricar Cruz Sevilla. Ayon sa kaniyang salaysay ay pinagsamantalahan ng ilang mga tao ang kaniyang tito na hindi marunong magbasa.
Pinagsamantalahan sa pamamagitan ng pamamahiya at panglalait sa kaniyang pisikal na anyo. Hindi rin nakakabasa ang kaniyang tito kung kaya naman hindi nito agad nalaman ang pangbabastos sa kaniya ng mga taong nagbigay sa kaniya ng kaniyang “quarantine pass”.
Dagdag pa ni Sevilla kung mayroon tayong kaalaman ay mas marapat na gamitin natin ito upang makapagbahagi rin ng kaalaman sa ibang tao. Hindi rin dapat umano ito gamitin upang manapak at mamahiya ng iba.
Talaga namang hindi nakalampas sa maraming mga netizens ang insidenteng ito. Halos lahat ng mga nakabasa ng post na ito ay nagpahayag na hindi tama ang ginawa ng mga taong iyon kay “Gorio Capule Paril”.
Nilagyan kasi nila ng “Hepanget” at “Kobe Panget” ang “quarantine pass” nito. Marami din sa mga netizens ang nag-tag sa sikat na programa na Raffy Tulfo in Action.
Kilala kasi ang programa na ito sa pagtulong sa mga nangangailangan at taong nasasamantala. Tunay nga na naging aral ito sa ating lahat na kahit ano pa ang hitsura ng ating kapwa ay huwag na huwag pa rin sana nating kalimutan na mayroon din silang damdamin na nasasaktan katulad natin.
Sabi nga sa kilalang kasabihan na madalas nating marinig sa matatanda, “huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” At kung wala rin naman tayong magandang sasabihin o gagawin ay mas mabuti pang manahimik na lamang tayo ay subukang gumawa ng mabuti.
0 Comments