Watch | Viral Online Seller, Pinakita ang Kanyang Ina na Isa sa Dahilan ng Kangyang Pagsisikap!



Viral ngayon ang isang online seller dahil sa kakaiba niyang paraan sa pagtitinda. Kinagiliwan siya ng mga netizens dahil sa mga pagpapatawa nito. Ang kwelang online seller ay si Daisy Lopez o mas kilala bilang "Madam Inutz". Bagaman marami siyang napapasaya ay marami din ang hindi natutuwa sa kanya lalo na sa kanyang pananalita. Marami ang nagre-report sa kanyang mga facebook live.




Nananawagan si Madam Inutz na sana ay huwag na umanong i-report ang kanyang videos dahil hindi lamang para sa kanya ang ginagawa niya. Isa sa dahilan ng kanyang pagsisikap ang kanyang ina.

Wala mang nag-mamine o bumibili sa kanyang mga panindang ukay-ukay na damit ay talaga namang nagbunga ang kanyang mga ginagawa. Kamakailan lamang ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Image. Dahil sa mga achievements niyang nakakamit ay marami ang natutuwa para sa kanya.






Ngunit, nakakalungkot mang isipin na sa kabila ng kanyang mga pagpapatawa ay mayroon din pala siyang pinagdadaanan.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Sa likod ng palamurang bibig ay napaka mapag mahal na anak mo Lodi."

"Kaya wag niyo ireport yung live ni madam! Mga mapagmalinis kasi."

"Naiyak ako inutzzz. how sweet naman... Pray always, wag pansinin mga inggetra na nagrereport. Di nyo nakikita bakit ganun nalang c inutz mag olnine selling tas kau report ng report"







Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments