BABALA: Hindi basta-basta kinakain o inuulam ang puffer fish!





Ang bansang Pilipinas ay hitik sa napakaraming mga yamang-dagat at yamang-lupa. Hindi na nakapagtataka na maraming mga dayuhan ang nagnanais na malibot ang 7640 mga isla ng bansa.



Habang ang ilang bansa naman ay nagnanais na makamkam ang ilan sa ating mga teritoryo na hanggang sa ngayon ay pinipilit pa ring ipaglaban ng ating gobyerno. Napakaraming mga nakakamanghang hayop at likas yaman ang matatagpuan sa bansa.

Ngunit hindi tayo dapat basta-basta magluto o kumain ng mga yamang-dagat o yamang-lupa na ating nakuha o natagpuan sa ating paligid lalo na kung hindi tayo sigurado sa kung anong maaaring maging epekto nito sa atin. Tulad na lamang halimbawa ng “puffer fish” na isang uri ng isda na hindi sinasadyang kainin ng isang magsasaka sa Hinunangan, Katimugang Leyte na kalaunan ay kumitil sa buhay nang kawawang magsasaka.







Ayon sa mga otoridad, umuwi sa kaniyang tahanan ang 39 taong gulang na magsasaka at mayroon siyang dalang isang kilo ng “puffer fish” o “butete”. Niluto niya ito at kinain ng gabi ng Miyerkules Santo, Marso 31, 2021.



Nagising siya ng bandang alas-4 ng madaling araw at muli siyang kumain nito. Dito na sumama ang kaniyang pakiramdam.




Hindi na naitakbo pa sa ospital ang magsasaka at tuluyan nang binawian ng buhay. Noon pa man ay nagbigay na ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag basta basta kumain o magluto.

Ang ganitong uri ng mga isda kasi ay mayroong lason na “tetrodotoxin” at “saxitoxin”, na 1,200 ulit na mas mapanganib kaysa sa “cyanide”. “Central nervous system” ng tao ang agad na punterya nito.

“The toxins that are typically found in the liver, gonads, intestines, and skin of puffer fish are not eliminated by cooking or freezing. In fact, freezing and thawing of the fish prior to removal of the organs containing the toxins may result in the toxin’s migration to the flesh of the fish,” Pahayag ng DOH.

Sa bansang Japan, “fugu” ang tawag dito ay pawang mga professional chefs lamang ang nagluluto ng kilalang “delicacy” na ito.


Source: Abscbn





Post a Comment

0 Comments