Mag-anak, mapalad na nakaligtas sa isang makamandag na ahas dahil sa asong kalye na kanilang kinupkop!





Hindi matatawaran ang koneksyon ng tao sa kaniyang alagang hayop at gayundin naman ng alagang hayop sa kanyang amo. Marami na rin ang nakaranas sa pagiging tapat ng maraming mga alaga nilang hayop sa kanila at sa kanilang pamilya.

Photo credit: Yap Y.F.



Partikular na lamang ang mga alaga nating aso na hindi manghihinayang na ibuwis ang sarili nilang buhay maprotektahan lamang ang kanilang mga amo, dahil para sa kanila hindi lamang sila amo kundi pamilya. Kamakailan lamang, marami ang naantig sa naging kwento ng netizen na si “Yap Y. F.” patungkol sa kanilang alagang aso.

Si Dai Bao, isang Husky ay madalas na nilang pakainin sa tuwing nakikita nila ito sa kalye. Minsang kinausap sila ng isang “animal rights group” upang ampunin na ang kawawang aso ay hindi sila nagdalawang-isip pa.




Photo credit: Yap Y.F.




Ilang buwan pa ang nakalipas at ang dating payat na payat na si Dai Bao ay mas naging mataba na at malago ang mga balahibo. Ngunit hindi inaasahan ng mag-anak na wala pang dalawang taon ay kukunin na sa kanila si Dai Bao na napamahal na sa kanilang lahat.



Hindi nila inaasahan na makakapasok pala ang isang makamandag na cobra sa kanilang bahay. Buti na lamang at agad itong hinabol at tinalo ng kanilang alagang si Dai Bao.




Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi rin nagtagal ang buhay ng kawawang aso matapos itong matuklaw ng cobra. Dinala man nila sa doktor ang kanilang aso ay hindi na naagapan pa ang kamandag sa buong katawan nito.

Photo credit: Yap Y.F.

Naging napakasakit para sa pamilya nang nangyaring ito. Nagbigay saya at ligaya si Dai Bao sa bawat miyembro ng kanilang pamilya kung kaya naman talagang napakasakit para sa kanilang tanggapin na wala na siya.

Napakalaking pasasalamat naman nang buong mag-anak na ang kinupkop nilang aso noon ang siya pang nagligtas sa kanilang mga buhay kahit pa nangangahulugan ito ng kaniyang maagang pamamaalam.





Post a Comment

0 Comments