Pag-ulan ng Yelo sa Bulacan, Ikinagulat ng Marami!




Kung mapapansin ay talagang nag-iba na ang klima ng ating bansa ngayon. Marahil ay kasabay ng paglipas ng panahon ay nagbabago ang klima natin, at kung minsan ay isa ring epekto ang mga ginagawa ng mga tao sa kapaligiran. Wala naman ding makakapigil sa mga dumarating na kalamidad sa mundo ngunit maaari naman nating paghandaan ito.




Ikinagulat naman ng mga residente ng Barangay Tigbe sa baya ng Norzagaray, Bulacan ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Kasunod nito ang pag-ulan din ng malalaking butil ng yelo sa kanilang mga bubong ng bahay at bakuran kaninang 3 p.m.

May ilan ding nakuhanan ng video ang pagbuhos ng malalaking butil ng yelo. Ang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang yelo ay nangyayari sa ulap kung saan namumuo ito at kapag bumigat na ay babagsak ito sa lupa.






Ang pag-ulan na may kasamang yelo ang hindi pangkaraniwan para sa ating bansa kaya naman talagang ikinagulat ito ng mga nakakita at nakasaksi sa pagbagsak ng yelo sa lupa o kaya naman sa kanilang bubong.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments