Lalaking Isinilang at Lumaki sa Kulungan Kasama ang Bilanggong Ina at Lola, Isa ng Guro Ngayon!




Naging inspirasyon sa marami ang isang lalaking isinilang at lumaki sa kulungan kasama ang kanyang ina at lola. Sa kabila ng kanyang sitwasyon ay nagawa niyang makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo. Aminado siya na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan simula nang siya ay lumaki sa kulungan hanggang sa kasalukuyan. Ngunit, nagsumikap at ipingpatuloy pa rin niya ang kanyang buhay sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.




Hindi niya ikinahiyå ang kanyang pinanggalingan matapos na isilang at lumaki sa Angeles City Jail sa Pampanga kasama ang lola at ang kanyang ina.

Ang dating paslit na nagsumikap na makapag-aral ang ngayon isa ng ganap na guro si Paolo Oliver Pili, 27-anyos. Ipinagbubuntis umano siya ng kanyang ina noon nang makul0ng ito kasama ang kanyang lola sa kas0ng estafa.

Naging tirahan na ni Paolo ang kulungan simula nang siya ay ipinganak at hanggang sa lumaki. Pumayag ang pamunuan ng city jail na doon na lamang palakihin si Paolo dahil wala din sila komunikasyon sa iba pa nilang kaanak.




Kwento pa ni Paolo, mayroon umano ang kanyang ina na maliit na tindahan sa loob ng kulungan na napagkukunan nila ng panggastos. Nagsimula na rin siya noon na mag-aral ng elementarya sa isang paaralan na malapit sa kulungan.

Marami din umanong gustong umampon kay Paolo ngunit hindi siya pumayag bagkus ay pinili pa rin niya ang kanyan ina at lola. Nakapagtapos si Paolo ng kolehiyo sa kursong BS Education sa Holy Angel University sa tulong ng iba pang mga bilanggo, jail officers at ilang pari sa Pampanga at naging iskolar siya sa nasabing unibersidad.




Kasalukyan namang kumukuha ng Master's Degree in Physical Education and Sports si Paolo at masaya na ring namumuhay at gumagawa ng mga bagong ala-alasa labas ng bilangguan kasama ang kanyang ina at lola.

Siguro isa sa mga reason kaya siguro natapos ko o naabot ko ang mga pangarap ko dahil sa pagiging positive person ko," ani ni Paolo.

"I don't think the things around me as a negative kasi yung mga prisoner doon, makikita mo ang bibigat ng nararamdaman nila pero lumalaban sila. They continue to pray, they continue hoping na one day they will go outside and I achieved that attitude," dagdag pa niya.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments