Anak nina Jessa at Dingdong Avanzado, Masayang Natapos ang Grade 11 Bilang 1st Honor Student sa Kanilang Paaralan!




Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala bilang Jessa Zaragoza ay ipinanganak noong Enero 31, 1979. Siya ay isang modelo, mang-aawit at artista. Siya ay kinilala bilang "Phenomenal Diva" at "Jukebox Queen of '90s". Ang kanyang asawa ay si Fernando Cyril "Dingdong" Veloso Avanzado na ipinanganak naman noong Hulyo 7, 1968. Isa siyang mang-aawit, aktor, politician at TV Host.




Ikinasal sina Jessa at Dingdong Avanzado noong Marso 18, 2018 at may isang anak na nagngangalang Jayda.

Si Jayda Avanzado ay 18-anyos pa lamang ngunit isa na siyang song writer, music producer, singer, model at social media influencer. Ang kanyang talaento ay nakuha sa kanyang ina at ama na magagaling din sa pagkanta. Sa edad na 9 na taong gulang ay nag-perform na siya sa show ng kanyang ama na "Tatlong Beinte Singko".





Edad 12 naman nang matuto siyang sumulat ng kanta. Dahil sanay sa showbiz si Jayda mula pagkabata, ay hindi na lamang niyang pinapansin ang ilang mga nangba-båsh sa kanya sa social media. Marso 2019 nang ilabas ang kanyang kanta na pinamagatang "Happy For You". Hanggang sa may mga sumunod pa siya isinulat na may pamagat na Paano Kung Naging Tayo at Mag-isang Umiiibig.




Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang instagram post ang kanyang achievement sa kanilang paaral. Natapos niya ang Grade 11 bilang isang 1st honor student. Hindi naman maipagkakaila ang kanyang angking kagandahan at katalinuhan. Bukod pa rito ay talentado rin siya kaya naman total package na si Jayda.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments