Paano nga ba ma-achieve ang flat belly ni Mommy Bangs Garcia?!




Si Valerie Pablo Garcia o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Bangs Garcia ay 33 taong gulang na aktres, modelo, at pintor mula sa Davao City. Ayon sa ilang mga ulat ay nag-aral siya sa Ateneo de Davao University mula noong 1993 hanggang 2005.



Nagwagi din siya sa isang interschool talent competition na “Campus Idols” noong 2004. Ang kauna-unahan niyang trabaho noon ay isang TV host sa isang teen variety show sa ABS-CBN Davao.

Taong 2016 nang ikasal siya sa kaniyang nobyo na si Lloydi Birchmore. Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak, sina Amelia at Isabella. Nabase ang pamilya sa United Kingdom.



Sa tindig at angking kagandahan ni Bangs, sinong mag-aakala na siya ay mayroon nang dalawang anak? Kung kaya naman para sa mga nagtatanong, mayroong ilang tips si Bangs para sa mga kapwa niya mommies.



Ang kaniyang sikreto sa kaniyang flat belly ay ibinahagi niya sa kaniyang social media post kamakailan lamang. May caption itong “especially helpful for CS [C-section] mums who can’t do certain workouts yet & love to eat like me!”

Ngunit nauna na niyang sinabi na ang bawat katawan natin ay mayroong iba’t-ibang paraan ng paggaling o paghilom kung kaya naman mas mabuti pa ring kumonsulta muna sa doktor bago gawin ang mga ito. Una na sa dalawa niyang sikreto ay ang pagsusuot ng “high-waist shaping panties” at “belly binder with velcro”.




Walong oras kada araw kung isuot niya ang mga ito. Para sa ikalawang paraan naman ay sa tuwing kukuha ng larawan ng inyong katawan ay subukan laging pahigop ang bandang tiyan upang hindi ito magmukhang malaki o lawlaw sa mga larawan.

“Yup! Stand up tall & pull your belly button through to your spine. Kung sa Bisaya pa, hiyak ba! It’ll not only make us look good on photos, it’ll also activate our core muscles & help us maintain a good posture.” Pahayag ni Bangs.

Para sa kaniyang pagwowork-out ay “pelvic floor exercises” naman ang kaniyang ginagawa. Kumain din siya ng mansanas at umiinom ng tubig sa umaga, kumakain ng quinoa bilang pamalit sa mga carbohydrates-rich foods, kumakain ng mga isda at umiinom ng “fish oil capsules” at vitamin C. Iwas din siya sa mga soda at lalong lalo na sa stress.






Post a Comment

0 Comments