Mag-amang nagtitinda ng lobo sa lansangan, kinahabagan ng maraming mga netizens!




Mahirap kumita ng pera lalo na sa panahon ngayon na mayroon pa ring kumakalat na sakit sa maraming lugar sa buong bansa at sa iba pang mga bansa sa buong mundo. Walang itong pinipiling kasarian, estado sa buhay o kulay ng balat.

Magugulat ka na lamang na mayroon ka na pala nito na maaari ring maging dahilan ng iyong pagpanaw. Ang mahirap pa rito ay may posibilidad na wala kang maramdamang mga sintomas ngunit nakakahawa ka na pala ng ibang tao.



Kung kaya naman nang mga nagdaang buwan ay mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng publiko at pagpunta sa matataong lugar. Naging dahilan din ito upang mawalan ng trabaho ang karamihan lalo na iyong mga naglalako o nagtitinda sa lansangan.



Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng maraming mga netizens ang larawan na ito ng mag-amang pagod na natutulog sa tabi ng lansangan. Nagtitinda kasi ng mga laruanag lobo ang matandang lalaki kasama ang kaniyang maliit na anak na nakasakay sa harapang bahagi ng kaniyang bisikleta.

Mukhang pagod na pagod ang ama na sinubukan na munang mamahinga at dumantay sa kanilang bisikleta habang hawak pa rin niya ito ng mahigpit para sa natutulog niyang anak. Nakita sila ni Jandale Gacasa Forrester at agad niya silang kinuhanan ng larawan.



Ibinahagi niya ito sa kaniyang social media account at sinabing labis siyang nahahabag sa matanda dahil sa kalagayan nito at ng kaniyang anak. Hindi niya alintana ang panganib ngayon ng pandemya, kumita lamang kahit maliit na halaga ng salapi para sa kaniyang anak.
Marami ang nagnanais na magbigay ng tulong sa mag-ama ngunit walang paraan upang ma-contact ni Jandale ang matandang lalaki. Mahirap man para sa kaniya ngunit sisikapin niyang matagpuan ang mag-ama upang maipaabot sa kanila ang tulong ng ilang mga netizen.

Para kahit papaano ay makapagsimula siyang muli para sa kaniyang pamilya sa kabila ng pandemya at hindi na niya kailanganin pang maglako sa mapanganib na lansangan.








Post a Comment

0 Comments