Mahigit 10 Food Delivery Riders, Naloko ng Pekeng Booking na aabot sa Mahigit P20,000





Mahigit umano sa 10 food delivery riders ang naloko ng pekeng booking na aabot sa mahigit ng P20,000 ang inorder na pagkain.

Aabot sa 10 food delivery rider na naman ang nabiktima ng pekeng booking sa BF Resort Village, Las Piñas nitong Lunes. 

Tinatayang aabot umano sa mahigit P20,000 ang inabot ng mga inorder na pagkain ng manloloko.


Kuwento ng uploader ng nag-viral na video na isang 59 anyos na housewife, nagulat na lamang siya at may nagsisidatingan na mga motor sa kanilang bahay at hinahanap ang umano’y customer na si “Marl dela Cruz.”

“May nag-doorbell po kasi ang sabi niya sa akin ‘ma’am, may delivery po kayo, order.’ Sabi ko, ‘kuya, wala akong order sa’yo.’ Sabi niya, ‘nako, ma’am, naloko po kami. Ito po hindi ko na po matawagan.’ Sabi niya, ‘ma’am, marami po kami.’ Sabi ko, ‘anong marami?’ Tapos maya-maya datingan po ‘yong mga delivery,”
 


Sabi niya, hindi sa kanila ang mga order at ipinakita pa ng isa sa mga rider na ibinigay ng umano’y customer ang address nila at dadagdagan na lang ang delivery fee ng P100 bilang hindi nito umano nabago ang pinned location.

Ayon sa uploder, naaawa siya sa mga food delivery rider na aniya’y nagsasakripisyo para mabuhay sa gitna ng pandemya.


“Naaawa ako sa mga tao. Nakita ko po ‘yong isang driver na bata pa siya. Para siyang taranta kasi siguro wala pang kita. ‘Ma’am,’ sabi niya ‘Bigyan ko po kayo ng chicken?’ Sabi ko, ‘nako, kuya, ‘wag,’” saad niya.

“Kung sinuman po ‘yong taong ‘yon (na umorder), napaka-halimaw siya. Hindi po magandang biro,” patuloy pa niya.

Hiling niya na maaksyunan na ito ng kompanya ng food delivery app at ng mga awtoridad para hindi na maulit ang insidente.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments