Netizen, napagkamalang janitor dahil sa kaniyang suot na OOTD!




Ang pagsusuot ng presentable at maayos na mga kasuotan lalo na kung tayo ay lalabas ng ating mga tahanan ay talaga namang napakaimportante para sa atin. Dahil kasi sa pagsusuot natin ng maayos at magagandang mga damit ay mas nagkakaroon tayo ng kompiyansa sa ating mga sarili. Tiyak na nararamdaman at nakikita din ito ng mga taong nakapaligid sa atin.



Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami pa ring mga Pilipino ang naglalaan ng kanilang oras at panahon upang makapamili ng mga damit na alam nilang babagay sa kanilang panlasa. Isa na marahil sa mga ito ang netizen na nakilala bilang si Nick Nicolas Jr.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko kung gaano siya kasaya sa nabili niyang damit at talaga namang “feel na feel” niya ang pagsusuot nito habang namamasyal siya sa isang kilalang mall. Ngunit hindi niya talaga akalain na mararanasan niya palang mapagkamalan na isang janitor ng naturang mall nang minsang patungo sya sa CR ay mayroong lalaki na nagtanong sa kaniya kung naasan ang CR ng mall dahil sa sira pala ang napuntahan nito.



Labis siyang nabigla sa mabilis na pangyayari ngunit nanatili naman siyang kalmado at kalaunan ay matawa-tawa na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa “customer” talaga siya ng mall at hindi doon nagtatrabaho. Marahil dahil kasi ito sa kulay at hitsura ng kaniyang OOTD (Outfit of the Day) kung kaya naman napagkamalan siya ng isang lalaki.

Sa unang tingin naman kasi talaga ay aakalain mo na isa siyang “maintenance” o “staff” ng mall. Magiliw niya itong ibinahagi sa kaniyang social media account dahil sa talagang natutuwa siya sa naging karanasan niya.



Ngunit hindi niya akalain na marami palang mga tao ang magagalit sa kaniya dahil sa inakala ng mga itong minamaliit at nilalait niya ang mga “janitor”, “maintenance”, o empleyado ng isang mall. Agad naman siyang nagpahayag ng kaniyang komento patungkol dito.




Nilinaw niyang wala siyang intensiyon na manghamak ng ibang tao bagkus ay nais lamang niyang magbahagi ng “good vibes” sa publiko.





Post a Comment

0 Comments