Pamilya, namumulot ng suso upang mayroong makain sa gitna ng pandemya!




Dahil sa pandemyang kinakaharap ng maraming mga bansa sa buong mundo ngayon ay wala talaga namang mas dumarami pa ang mga pamilyang hirap at nagugutom. Tulad na lamang ng pamilyang ito mula sa Noveleta, Cavite.



Ang mag-asawang Jerry at Grace Mendoza kasama ang tatlo nilang mga anak ay umaasa na lamang sa pangongolekta ng mga suso sa bakawan upang mayroong mailaman sa kanilang sikmura. Nawalan kasi ng trabaho bilang isang “construction worker” si Jerry buhat nang magsimula ang paglaganap ng pandemya.



Habang si Grace naman ay wala ring anumang pinagkakakitaan. Nasanay na ang pamilyang kape at kaning lamig lamang ang kanilang kinakain sa araw-araw. Maging ang bunso nilang anak ay kape lang din ang iniinom mula nang sanggol ito.

Wala kasi silang perang pambili ng gatas para sa mga anak kung kaya naman nagtitiis na lamang sila sa ganitong sitwasyon. Nang lumaganap ang COVID-19 sa bansa ay mas nahirapan pa sila dahil sa ipinagbabawal ang paglabas ng mga tao nang kasagsagan ng pandemya.




Halos pitong buwan na rin ang nakalilipas kung kaya naman kahit paano ay nakahanap ng paraan ang mag-asawa upang makaraos sa araw-araw. Kasama ang dalawa nilang mga anak na sina Ashley (4) at John Marc (3) ay naglalakad sila ng halos sampung minuto upang makarating sa bakawan at doon mamulot ng mga suso.

Pagkatapos nilang mangolekta ng mga suso ay agad itong hinuhugasan ni Grace at ibinabalot. Kada isang balot ay itinitinda nila sa halagang Php30. Ang natitira sa mga ito ang siyang kinakain nila para sa kanilang pananghalian at hapunan.




Naitampok ang kwento nilang ito sa “Reporter’s Notebook” kung saan talagang umantig ang kanilang kwento sa maraming mga Pilipino. Nakarating din ito sa lokal na pamahalaan ng Noveleta kung kaya naman agad umaksyon ang kanilang alkalde at nangakong bibigyan ng trabaho si Jerry at tutulungang makapagsimula ng sarili niyang negosyo si Grace.

Maging ang tatlo nilang mga anak ay bibigyan din ng iskolarsyip ng lokal na pamahalaan.






Post a Comment

0 Comments