Programa ng San Miguel Corporation para sa mga empleyado nito: 1,500 na bisikleta sa murang halaga, pwedeng bayaran ng 12 buwan at wala pang interest!




Marami ang napa-sana all nang maibalita sa publiko ang pagpapatupad ng San Miguel Corporation ng kanilang programa para sa kanilang mga empleyado. Nais kasi ng kompanya na matulungan ang kanilang mga empleyado kahit papaano sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga bisikleta na ito.

Bumili ang kumpanya ng 1,500 na mga unit ng bisikleta na maaaring bilhin ng kanilang mga empleyado upang hindi na sila mahirapan pa sa kanilang transportasyon araw-araw papunta sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Ang naturang mga bisikleta ay maaaring bayaran ng isang empleyado sa halagang Php2,000 hanggang Php3,000 sa loob ng isang taon at wala pang interes.



Halos na mahigit Php166 hanggang Php250 kada buwan lamang ang kanilang babayaran at magkakaroon na sila ng sarili nilang bisikleta. Sa panahon ng pandemyang ito ay marami ang nawalan ng mga trabaho at mapagkakakitaan.



Marami ring mga kompanya ang kinailangang magsara ngunit naging napakagandang balita nito dahil sa pagmamalasakit ng kompanya para sa kanilang mga empleyadong nahihirapan sa pagpasok sa araw-araw dahil sa wala silang masakyan o di kaya naman ay napakamahakl ng kanilang binabayad sa pamasahe. Napakalaking tulong ng programang ito dahil sa hindi na aalalahanin pa ng mga empleyado ang perang kakailanganin nila makabili lamang ng isang maayos na bisikletang magagamit sa kanilang pagpasok.



Ayon sa maraming mga netizens, dalangin nilang mas marami pang mga kompanya ang gumaya sa korporasyong ito na iniisip din ang kapakanan ng kanilang mga manggagawa at hindi puro pera na lamang ang pinapahalagahan. Tiyak nga na mas magiging masipag at matiyaga pa sa trabaho ang mga empleyadong ito dahil sa nararamdaman nilang mahalaga sila sa kanilang kompanya.




Ang San Miguel Corporation ay isang “Multinational Conglomerate Company”. Isa sila sa pinakamatatag at pinakamalaking korporasyon sa bansa. Mayroon silang higit sa 24,000 ng mga empleyado sa higit 100 nilang “major facilities”throughout the Asia-Pacific region.





Post a Comment

0 Comments