Miyembro ng LQBTQIA+ organization umaasa na muling uusad ang usapin ng same-sex civil union sa bansa.


Umaasa ang mga miyembro ng LQBTQIA+ organization na muling uusad ang usapin ng same-sex civil union sa bansa.

Ito ay matapos magpakita ng suporta si Pope Francis sa mga same sex couple at sinabing nararapat kilalanin ng batas ang same-sex civil union.

Sa interview ng RMN Manila kay Jhay de Jesus, tagapagsalita ng True Colors Coalition, isa itong daan para maupuan at mapag-usapan muli ang tungkol sa probisyon.

Aniya, kalakip ng same-sex civil union ang pagkilala ng batas at lipunan sa karapatan at benepisyo nila kabilang ang makapag-acquire ng karapatan para sa conjugal property.


Naniniwala din si Bagong Henerasyon Party-List Representative Bernadette Herrera-Dy na ang pagsuporta ng Santo Papa ay isang malaking factor sa pagsasabatas ng Civil Union Bill sa bansa.


Pero una na itong tinutulan ni Senate President Vicente Sotto III at sinabing hindi nito maaapektuhan ang naunang desisyon ng mga mambabatas.

Samantala para sa Catholic Bishop Conference Of The Philippines (CBCB), masyado pang maaga para magkomento ang Simbahang Katolika sa sinabi ng Santo Papa.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments