YouTuber na si Viy Cortez mayroon nang ilang mga negosyo sa edad na 24-anyos!




Ang paggawa ng mga vlogs o pagvo-vlogging ang isa sa pinapatok ngayon sa publiko. Maraming mga Pilipino ang tumatangkilik sa mga kilalang YouTuber at vloggers sa bansa hindi lamang dahil sa magaganda nilang mga “content” kundi dahil na rin sa mga inspirasyong naibabahagi nila sa kanilang mga viewers at subscribers.



Isa na marahil si Viy Cortez sa pinakilala at pinakahinahangaang vlogger ngayon sa Pilipinas. Ngunit bago pa man siya maging isang matagumpay na vlogger ay nasubukan din niyang humarap sa mahihirap na mga pagsubok.

Hindi naging madali ang buhay para sa kaniya at gaya ng marami sa atin ay minsan na rin siyang nagtrabaho bilang isang empleyado ngunit sino nga ba ang mag-aakalang magiging matagumpay siyang negosyante? Abalang abala kasi siya ngayon sa kaniyang clothing, beauty, cosmetics, at personal care company na “Viy Line”.



Maliban sa mga ito ay mayroon din siyang dalawang “milk tea shops” (Tea Talk) na matatagpuan sa San Pedro, Laguna, at mayroon pang isa na magbubukas sa Parañaque City. Para kay Viy isa sa mga naging tagumpay niya ang pagbibigay inspirasyon sa maraming mga taong sumubok rin sa pagnenegosyo sa murang edad upang makaranas man sila ng pagkabigo sa pag-abot ng kanilang pangarap ay magkaroon pa rin sila ng maraming panahon upang makabangon muli.




“Simula nung nagbi-business ako, isa sa achievement ko is yung ang dami nagme-message na, ‘Ate, 14 years old lang ako, nag-start na ako mag-business dahil sa iyo.’ Dun ko mas na-feel na nakaka-impluwensiya ako ng magaganda sa mga nanonood sa akin.” Pahayag ni Viy sa naging panayam sa kaniya ng PEP.




Dagdag pa niya mas nais niyang makitang lumalago ang kaniyang pera sa negosyo kaysa ilagak ito sa bangko. Sa paraang ito ay natitiyak niyang mas lalaki pa ng husto ang perang ginamit niya para sa kaniyang negosyo.

“Mas gusto kong nakikita yung pera kong umiikot kesa nasa bangko lang siya. Kung meron akong 100 pesos, yung 30 pesos itatabi ko yun. Yung 70 pesos, gagawin ko lahat para maging 140 pesos, ganun.” Komento pa ni Viy.





Post a Comment

0 Comments