Isang Prinsipal ang nagpakita ng malasakit sa kanyang eskwelahan matapos nitong mag-isang sementuhan ang hagdan ng kanyang paaralan.
Ang nasabing prinsipal ay si Elmer Lumbo na 59-anyos sa Habana Integrated School, Buruanga, Aklan na nagpakita ng malasakit at dedikasyon sa kanyang trabaho.
Ayon sa anak nito na si Jose Elvis Michelet Lumbo, 8:51 na ng gabi ay nasa eskwelahan pa ang kanyang tatay dahil nagsesemento pa ito ng hagdanan at nagri-riprap.
"At 8:51pm , Wala ako kakita ka Principal sa bilog ka Pilipinas nga ga Mason ga construction kag gapasadya Kang School nila, si tatay Sir Elmer Lumbo Lang gid Principal Kang Habana Integrated school, Buruanga, Aklan 💪😍😍"- saad ng anak ng Prinsipal.
Sa kuwento ni Jose Elvis sa Aksyon Radyo Iloilo, masipag daw talaga ito. Hindi na nga raw umuuwi ang kanyang tatay sa kanilang bahay tuwing tanghalian dahil tinatapos pa nito ang mga papeles sa skul.
At kahit noong kaarawan nito noong July 19, maaga pa raw itong pumunta ng skul para magdilig ng mga halaman.
Kaya raw ito nanguna sa konstruksyon sa mga istruktura dahil sinisiguro nitong tama ang pagkagawa at nag-oovertime ito para mabawasan ang kanyang mga gawain.
Ang katangian ni sir Elmer ay hindi na bago sa kanyang mga estudyante dahil kilala na siya sa pagiging masipag. Sa post na iyon ni Jose Elvis, muli siyang umani ng papuri mula sa kanila.
Sabi ni Rhoby Fernandez, “Sir Elmer Lumbo is a very dedicated educator, a loving husband and father and a very down to earth, hard-working man. Thank you sir for your exemplary service to our learners and co-workers. May God bless you with good health and safety always.”
“Di talaga siya nagbago kahit principal na siya. Teacher pa namin ‘yan ng elementary. Ganyan na siya. Proud ako sir Elmer na naging teacher kita. Grade 6 adviser namin ‘yan ng elementary.”
Si sir Elmer ay may anim na anak kung saan apat sa kanila ang nakapagtapos na ng pag-aaral. Dalawa naman sa mga ito ang naging guro.
Source: Noypi Ako
0 Comments